Eksena ng pamilya Duterte, pinagpipiyestahan na sa buong mundo
ni Ka Ambo - @Bistado | November 16 2021
MAHIRAP paniwalaan na aktuwal na maglalaban sa pagka-vice-president sina P-Digong at Inday.
Isang telenobela talaga!
◘◘◘
NAKAKANERBIYOS ang mga eksena kahapon sa Comelec.
Nakakatuwa at nakaka-buwisit!
◘◘◘
SANA ay mahimasmasan na ang Pamilya Duterte.
Pinagpipiyestahan sila ng buong mundo!
◘◘◘
MAY family feud ba sa Pamilya Duterte?
Kasama ba si Sen. Bong Go sa loob ng pamilya?
◘◘◘
ISA pang paniwalaan-dili sa Quezon.
Minorya ng Sangguniang Panlawigan ay nagpatibay ng annual budget.
Mainam naman!
◘◘◘
MATAPOS mabinbin, inaprubahan sa special session ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang 2021 Annual Budget noong Sabado.
Apat na board members lamang ang dumalo upang pagtibayin ang 2021 revised provincial annual budget na P4.1 bilyon!
◘◘◘
KABILANG sa dumalo sina Board members Donaldo “Jet” Suarez na anak ni Quezon Governor Danilo Suarez, Alona Obispo, Yna Liwanag at Rhodora Tan.
Ang marathon committee hearing at special session ay ginawa ng minorya matapos na ang walong board members na Majority Bloc ay napatawan ng 60-day suspension noong Nov. 11 ng Department of Interior and Local Government.
◘◘◘
AYON kay Bokal Sonny Ubana, leader ng Majority Bloc ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, hindi sa kanila nagkaroon ng problema kaya hindi naipasa noon ang 2021 annual budget ng probinsiya.
Sinunod lamang uamno nila ang mga proseso at alituntunin na itinakda ng batas hinggil sa pagtitiyak na magagastos nang tama ang salapi ng bayan!
◘◘◘
BINUSISI ng Konseho ang hindi pagkakatugma sa ilang nakasaad sa dapat pagkagastusan sa ilalim ng panukalang pondo.
Pinuna din nila ang ang paglalaan ng mas malaking pondo para sa dagdag na casual, job order sa ilalim ng Governor’s Office sa halip na bigyan ng mas malaking pondo ang mga ospital, lalo’t nagpapatuloy pa ang banta ng COVID-19.
◘◘◘
PUMALAG naman si Ubana sa paghahain ng kaso para sa kanilang suspension na malinaw na pamumulitika lang umano at layong pilayin sila sa kanilang gampanin.
Mahalagang suriing mabuti ang mga panukalang-batas bago ito pagtibayin!





Comments