Eh, ikaw, Francine? RICCI, OKS LANG NA MAGSAMA ULI SINA ANDREA AT SETH
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 6, 2022

Understanding boyfriend naman pala si Ricci Rivero dahil payag naman siyang makatrabaho ulit ni Andrea Brillantes ang ex-BF nitong si Seth Fedelin.
Sa latest vlog ni Andrea ay kasama niya ang boyfriend at sinagot nila ang mga tanong ng mga netizens tungkol sa kanilang relasyon.
Isa nga sa mga tanong ay kung okay lang ba kay Ricci na makatrabaho ni Andrea si Seth o makapareha ang ibang aktor?
“Actually, sa akin, okay lang kasi part naman ‘yun ng work, 'di ba? And nasa kanya naman ‘yun,” he said.
Dagdag pa niya, “Siya talaga ‘yung magiging affected du’n, hindi ako. Pero kapag okay sa kanya ‘yung trabaho, magagawa niya nang maayos ang trabaho. Pero if hindi niya feel gawin ‘yung work, nasa sa kanya po ‘yun. Sa akin, work is work.”
Natanong din kung paano ba nagsimula ang lahat sa kanila ni Ricci at kuwento ni Andrea, una silang nagkita sa Xylo Bar sa BGC. That time ay tumakas lang daw siya sa nanay niya na first time raw niyang ginawa. Niyaya lang daw siya ng mga friends niya that time at pumayag siya dahil heartbroken siya. Hindi raw niya alam na nandu’n si Ricci.
Pero inamin din naman daw niya sa nanay niya agad at humingi siya ng sorry sa kanyang ginawa.
Anyway, nakita nga niya si Ricci sa Xylo Bar at ang unang impresyon daw niya sa basketbolista ay mayabang, suplado at akala mo’y kung sino.
Sa tanong kung sino ang gumawa ng first move, ayon kay Ricci ay si Andrea raw dahil after ng first meeting nila sa Xylo Bar, nag-follow daw at nag-message sa kanya ang aktres.
Paliwanag naman ni Andrea, bago sila nagkita sa Xylo ay nag-message sa kanya si Ricci sa private account niya pero hindi siya nag-reply.
“Dati, pina-follow namin ang isa’t isa pero nag-unfollow din kami sa isa’t isa,” kuwento pa ni Andrea.
Katwiran ng aktres, nakikita raw kasi niya si Ricci sa mga IG Stories ng friends niya at natuwa siya nang mag-post ito about astrology dahil same pala sila ng interest. Mahilig daw kasi siya sa Zodiac sign.
Naikuwento rin ni Blythe (real name ni Andrea) ang tungkol sa post ng isang netizen na naka-bikini si Ricci. That time ay bago pa lang daw ang relasyon nila.
“Edited talaga siya, guys. Alam n’yo kung totoo ‘yun, sinapak ko na siya,” paglilinaw ni Andrea.
Sa tanong kung gusto ba nilang magkatrabaho sa isang drama, ayon kay Ricci ay okay lang naman basta swak sa schedule niya dahil basketball pa rin daw ang priority niya.
No naman para kay Andrea na magkasama sila sa work ni Ricci.
“Alam mo ‘yun, baka maiba ‘yung relationship namin kasi magiging parang love team kami.
Natutuwa rin kasi ako na mayroon kaming sariling gusto, magkaiba ‘yung gusto namin, may sarili kaming mundo. Pero kung maganda talaga, siyempre, gusto ko ring gawin,” saad ni Andrea.





Comments