EDU: MAY DAPAT MANAGOT SA BAHA!
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 21, 2026

Photo: IG _realedumanzano
Hindi nagpahuli ang aktor na si Edu Manzano sa pagbabahagi ng kanyang saloobin tungkol sa patuloy na pagbaha na nararanasan ng maraming Pilipino bunsod ng malalakas na pag-ulan.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Edu ang kalagayan ng mga manggagawang napipilitang lumusong sa baha upang makapasok sa trabaho, kahit hindi ito ligtas.
Aniya, may mga taong walang ibang pagpipilian dahil kailangan nilang kumita para sa kanilang pamilya.
Ani Edu, “‘Di pa ba tayo nagsasawa? Habang may ilan na maaaring manatili sa loob ng kanilang mga bahay, may mga Pilipinong kailangang lumusong sa baha para pumasok sa trabaho.
“‘Di dahil gusto nila, ‘di dahil ligtas. Kundi dahil wala silang choice.
“May kailangang kumita, kailangang pakainin, kailangang bayaran. At taun-taon, paulit-ulit nating nakikita ‘to. ‘Wag nating gawing normal ang ‘di naman dapat normal.”
Sey pa ni Edu, “‘Di normal ang bumaha dahil sa kapabayaan, ‘di normal na may pondo pero walang resulta, at lalong ‘di normal na parang wala nang nananagot.”
Sa huli, nanawagan ang aktor para sa isang mas maayos at responsableng
pamahalaan.
Aniya, “‘Di tayo dapat masanay. ‘Di tayo dapat manahimik. We deserve better. At panahon nang maningil tayo ng mas maayos na pamahalaan.”
Well, maraming sumang-ayon sa comment section ng post ni Edu, lalo na ang mga netizens na nakararanas ng hirap dulot ng pagbaha.
Tunay na pinagpala raw…
SEN. ROBIN, TODO-THANK YOU KAY MARIEL NA UMABOT SILA NG 16 YRS.
Mala-makata ang mensaheng ibinahagi ni Sen. Robin Padilla na puno ng pagmamahal at pasasalamat sa biyaya ng kanilang pagsasama ng kanyang misis, ang TV host-aktres na si Mariel Rodriguez Padilla, sa pagdiriwang ng kanilang ika-16 na anibersaryo, gayundin sa pamilyang kanilang nabuo.
Aniya, “Alhamdulillah (Salamat sa Diyos). Sa biyaya ng pag-ibig na tapat, labing-anim na taon na kaming magkatuwang. Sa hirap at ginhawa, walang pagkukulang.
“Isang lihim na sorpresa ang biglang sumalubong, mula sa dalawang anak na sa amin ay lumingon. Kasabwat ang mga kasama sa aming tahanan, binuo ang isang gabi na puno ng kagalakan.
“‘Di man engrande o marangya ang handaan, damang-dama ang pag-ibig sa bawat sulok.
“Mula sa pagkaing inihanda hanggang sa kantahan, sila ang nagsilbi sa hapag ng aming pagmamahalan.
“Ang pinakamagandang regalo sa mahabang paglalakbay ay ang makitang ang mga anak ay gabay at kaagapay.
“Salamat sa sorpresa, Mariel, aking sinta, sa pamilyang binuo natin, tunay na pinagpala.”
Anyway, happy sweet 16th wedding anniversary, Robin and Mariel!
SUPER sweet ang birthday message ni Zoren Legaspi para sa kanyang misis na si Carmina Villarroel last August 17, na ibinahagi niya sa isang Instagram (IG) post.
Ani Zoren, “Happy Birthday, @mina_villarroel (red heart emoji).
“Our queen, and truly the heart of this family. You bring so much love, warmth, and happiness into our lives, and we are so blessed to have you.
“I love you, and we all love you more than words can say.
“@mavylegaspi @cassy, thank you for being part of this beautiful family and for making every moment even more meaningful.
“Happy birthday, our queen. We love you always (red heart emoji).”
Anyway, happy birthday, Carmina Villarroel-Legaspi!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments