EDSA Busway elevators, gumagana na

ni Gina Plenago @News | November 14, 2026

Photo: Sec. Vince Dizon - DOTr
Matapos ang apat na buwang hindi paggamit, muli nang napapakinabangan ng mga komyuter ang mga elevator sa EDSA Busway stations sa Guadalupe, Philam, at Kamuning, ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon.
Personal na ininspeksyon ni Dizon ang mga elevator sa Guadalupe Station upang matiyak na ligtas at magagamit ang mga ito ng mga komyuter, lalo na ng senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis.
Samantala, inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo ang pagkukumpuni ng mga elevator sa Balintawak, Monumento, at Bagong Barrio stations.
Iniutos din ng kalihim ang pagpapatupad ng maximum repair time na 24 hanggang 48 oras, regular na paglilinis ng elevator sensors, at mas mahigpit na seguridad upang maiwasan ang pagnanakaw ng mga kable na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pasilidad.





Comments