by Jeff Tumbado @News | September 21, 2026

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa EDSA Shrine kahapon, Setyembre 20, para sa paggunita ng ika-54 anibersaryo ng Martial Law sa bansa.
by Jeff Tumbado @News | September 21, 2026

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa EDSA Shrine kahapon, Setyembre 20, para sa paggunita ng ika-54 anibersaryo ng Martial Law sa bansa.
ni Gina Pleñago @News | July 19, 2026

Photo: SS / MMDA
Ipinost mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang official Facebook page ang viral video na hindi itinatago ang pagkakamali ng isang MMDA traffic enforcer na nag-counterflow sa EDSA bus lane ng Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, hindi tino-tolerate ng ahensiya ang mga maling gawain ng sinuman sa tauhan nito. Hindi rin aniya itinatago ang mga maling gawain ng mga kawani ng ahensya para hindi pamarisan.
Aniya, mahaharap sa multang P5,000 dahil sa paggamit sa bus lane at administrative sanction ang enforcer na si alyas Jeffrey.
Sa video makikita ang tila pagpupumilit na maisiksik ng traffic enforcer ang kanyang motorsiklo na nagkataong hindi sila magkasya ng isang sasakyan na nagsasabi pa sa kanya na. 'hindi kasya 'yan... balik ka balik… bumalik ka ru'n, ikot ka ru'n,’ subalit hindi agad sinunod ang payo kundi pilit pa ring iginigilid ang motorsiklo.
Sabi pa ng kasalubong na sasabit ang sasakyan niya kung ipipilit ng traffic enforcer na manatili, at sinabihan siya na mukhang nakainom ng alak.
Nakarating na rin sa Land Transportation Office (LTO) ang ginawang paglabag ng traffic enforcer na inisyuhan na ng show cause order.
ni Mylene Alfonso @News | July 3, 2026

Photo: Ganito na ang kapal ng mga lumahok sa panibagong kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) na isinagawa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila (as of 5pm) matapos lumipat ng ibang venue ang grupo makaraang hindi na pinayagan ng QC LGU na biyayaan sila ng permit para sa hiling na ikatlong araw ng pagkilos. (Jeff Tumbado)
Tinapos na kahapon, Hulyo 2, ang peace rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
“Nawa ay kung gaano tayo kapayapa nagpunta at naglakbay papunta rito, nawa ay ganun din sa ating pag-uwi,” ayon kay INC spokesperson Edwil Zabala.
Una nang inilipat ng INC ang kanilang kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio matapos na ‘di na sila bigyan ng permit ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC DPOS) para sa ikatlong araw ng rally sa EDSA. Ito ay dahil umano sa matinding trapiko at abalang idinulot ng naunang dalawang araw.
Kaugnay nito, isinailalim sa red alert status ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang buong puwersa nito.
Naka-full standby ang lahat ng emergency medical personnel, operations team, at kagamitan upang agad na rumesponde sa anumang insidente.
Samantala, as of 6PM, umabot na sa 12,600 ang bilang ng nakikiisa sa kilos-protesta, ayon sa Manila City DRRMO.

