Edad 5, 6 at 60 nalibing nang buhay sa landslide

by Jeff Tumbado @News | October 10, 2026

Photo: Mga tauhan ng Bureau of Fire Cebu (BFP R7), habang nagsasagawa ng search and rescue operations sa naganap na landslide sa Sitio Riverside, Barangay Pulang Bato, Cebu City. (Mai Ancheta)
Umakyat na sa 3 ang patay habang isa ang sugatan matapos matabunan sa landslide sa Sitio Riverside, Brgy. Pulangbato, Cebu City kahapon, Oktubre 9.
Kabilang sa mga namatay ang dalawang bata na edad 5 at 6. Habang isang 60-anyos na babae rin ang patay, sugatan naman ang isang 38-anyos na babae sa insidente.
Narekober ang huling biktima na 60-anyos na babaeng natabunan sa landslide alas-5:43 ng hapon.
Nangyari ang landslide habang nakararanas ng malakas na pag-ulan ang Cebu dulot ng localized thunderstorms.





Comments