top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Edad 12-16, ibinubugaw online.. Lodging house na sex den, buking

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2023
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 1, 2023




Pitong menor-de-edad ang nasagip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa isang logding house na ginagawa umanong sex den sa Biñan, Laguna.


Arestado ang itinuturong bugaw ng mga biktima at ang cashier ng lodging house na kasabwat umano sa kanilang ilegal na aktibidad.


Ayon kay Atty. Eric Nuqui, hepe ng NBI-Cavite District Office North, idinadaan umano ng bugaw ang transaksiyon sa mga potensiyal na customer sa social media at text at inaalok ang mga ito ng sex kapalit ng malaking pera.


Ang mga nasagip na biktima ay nasa mga edad 12, 13, 15 at 16.


Ikinatwiran ng cashier ng lodging house na hindi niya alam ang nangyayari sa lodging house, habang ayaw namang magkomento ang naarestong bugaw.


Sinabi ni Atty. Nuqui na kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Human Trafficking Act, na kapag napatunayan ay may parusang habambuhay na kulong.


Inirekomenda na ng NBI ang pagpapasara sa lodging house habang ang mga nasagip na mga menor-de-edad ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development sa Biñan.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page