top of page
LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB R

EAT, Eat Bulaga at It's Showtime, babanggain... WILLIE, KINUMPIRMANG BALIK-NOONTIME SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 2, 2023



Tiniyak ni Willie Revillame na babalik siya sa noontime show. ‘Yan ang naging pahayag niya sa live episode ng kanyang game show na Wowowin sa YouTube at Facebook.


Pahayag ni Willie, “Kung paano ako nagsimula sa daily show, sa noontime show, ibabalik natin ‘to. Bakit? Para sa kanila.”


Tinuldukan ni Willie ang iba’t ibang kuwento na naglalabasan tungkol sa pagbabalik ng Wowowin sa telebisyon.


“Marami hong nasasabing salita, maraming hindi magandang sinasabi sa akin, sa program.


Laos na, ‘di ba? Wala hong nalalaos sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan,” diin niya.


Nilinaw din ni Willie ang mga alingasngas kung saang TV network muling mapapanood ang kanyang programa.


“Gusto ko lang iklaro sa inyo, eto ho, live ‘to. Wala pong kumakausap sa aking any channel.


Kaya hindi po totoo na dapat nandoon na ako sa ganoong channel,” paglilinaw niya.


At pagkatapos, mula mismo sa bibig ni Willie ay tahasan niyang inamin na nakikipag-usap siya sa dalawang TV networks.


Pagri-reveal ni Willie, “Oh, ‘eto, ang kumausap lang ho sa akin, ang PTV 4 at ang Channel 13.


Of course, ang kanila pong mga heads. So, lahat po ay pinag-aaralan ko pang mabuti kung ano po ang mangyayari. Ang pinakaimportante po, PTV man o wala, basta nandito kami, nandito ang Wowowin sa Facebook at YouTube araw-araw.”


Kasunod nito ay pinasalamatan niya ang GMA-7 top brass na si Atty. Felipe Gozon at iba pang Kapuso network executives sa pagpayag na patuloy niyang gamitin ang YT channel at FB account ng Wowowin. Ang GMA-7 daw kasi ang nag-create sa socmed ng nasabing programa.


At sa huli, inamin ni Willie na hindi siya nahihiya na siya mismo ang kumakausap sa bawat sponsors na kinukuha niya for the show.


O, ‘di ba, ang bongga kapag bumalik sa noontime slot on TV ang Wowowin. If ever, ang nasabing programa ang ika-apat na noontime show na mapapanood ng ating mga kababayan tuwing tanghali.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page