EAT BULAGA!, LUGI, HANGGANG JULY 29 NA LANG
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 6, 2023

May umiikot na balitang hanggang end of July na lang daw ang programang Eat… Bulaga! na napapanood sa GMA-7 hosted by Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar at ng kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi.
Bibitawan na raw ito ng mga Jalosjos dahil napakalaki na ng kanilang overhead na gastos nang mag-backout ang mga sponsors nila nu’ng mag-resign sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Bukod dito ay napakababa na rin ng ratings ng EB!, kaya’t gusto na itong bitawan ng TAPE, Inc. bago pa masaid nang husto ang kanilang puhunan.
Let’s see kung may katotohanan ang tsikang ito o paninindigan pa rin ng mga Jalosjos ang pakikipagsalpukan sa E.A.T. ng TVJ at mga Dabarkads sa TV5 at sa It’s Showtime na suportado ng GMA Network.
Kung saka-sakali na totoong hanggang July na lang mapapanood ang EB!, tiyak na ang It’s Showtime ang papalit sa maiiwan nilang noontime slot.





Comments