top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Eat... Bulaga!, ginagamit pa rin sa show... Paolo: Tuloy ang laban!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2023
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 9, 2023




Nagpahayag ng sentimyento si Paolo Contis noong Miyerkules sa live broadcast ng Eat Bulaga! sa GMA-7, ukol sa desisyon ng Intellectual Property Office (IPO) na kanselahin ang trademark registration ng TAPE Inc., ang producer ng longest-running noontime show.


Napatunayan ng Intellectual Property Office (IPO) na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang mga totoong bumuo ng kinikilalang pangalan ng programa na Eat Bulaga at EB.


Ang sey naman ni Paolo sa opening ng kanilang programa: “Simple lang ang gusto kong sabihin para sa ating mga Kapuso.


"Mga Kapuso, mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin, legally, wala pang final. Okay?"


Sinabi pa ng aktor at TV host, na tumayong tagapagsalita para sa TAPE, “Pero ito lang po ang pangako namin, anuman ang mangyari, ang nasimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy lang po namin araw-araw dahil yun lang po ang dahilan kung bakit kami pumapasok araw-araw.


“Kayo po ang dahilan kaya nandito kami.”


Suporta ni Winwyn Marquez, "Kaya tuloy ang Pasko na pinakamasaya."


Sumang-ayon naman si Betong Sumaya, “Dito lang yan sa tahanang pinakamasaya!”


"Teka, teka, hindi yan ang title natin,” tugon ni Paolo sa mga sinabi nina Winwyn at Betong bago sabay-sabay isinigaw nang malakas ang “Ito po ang Eat Bulaga!!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page