top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

East Asia Super League, sanib-puwersa sa PBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2021
  • 1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | December 02, 2021




Pormal nang nakipagsanib-puwersa ang East Asia Super League sa Philippine Basketball Association (PBA), B. LEAGUE ng Japan, Korean Basketball League (KBL), at P. LEAGUE+ kabilang rin ang iba pang mga koponan sa Greater China sa Hong Kong SAR para sa isang multi-year partnerships sa isang Pan-Regional Tournament na may temang home-and-away format sa susunod na taon.


Nagkasundo ang mga liga mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya, na mas pinagtibay pa ng 10-taong kasunduan kabilang ang basketball global governing body na FIBA, ipaparada ng EASL ang walong pinakamahuhusay na koponan sa Asya sa mga top-teams sa rehiyon kada linggo upang sumabak sa isang kompetisyon na may nakalaang papremyo na $1 Million.


Tatakbo ang liga sa paghahati sa walong koponan sa dalawang grupo na bubuuin ng apat na koponan sa isang round-robin format.


Bawat koponan ay lalaro sa pamamagitan ng home-and-away sa kanilang grupo na may anim na laro kada isa para sa kabuuang 24 games sa kanilang group stage simula Oktubre 2022 hanggang Pebrero 2023, kung saan dalawa sa EASL Group Stage games ay gagawin kada Miyerkules ng gabi.


Ang mangungunang dalawang koponan sa kanilang standings mula sa kada grupo ay aabante sa Final 4 at sasalang sa sudden death semifinals at championship matches sa Marso 2023.


Kasunod ng apat na matagumpay na large-scale invitational tournaments mula 2017-2019, kabilang ang The Terrific 12 dalawang taon na ang nakararaan na may 117 milyong manonood sa 36 na platform, ipinagmamalaki ng EASL na gawin ang susunod na hakbang upang maiangat ang sport ng basketball sa Asya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page