top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Earli Boating, nanalo sa Hopeful Stakes Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 15, 2023


Hinangaan ng mga karerista si Earli Boating matapos manalo at dehado sa 2023 PHILRACOM Hopeful Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.


Kulelat si Earli Boating paglabas ng aparato kaya naman pinanood na lang muna nito ang mga kabayong nasa kanyang unahan.


Sinakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Earli Boating na mabagal ang salida sa aparato.


Umungos sa unahan si Borrowed Heaven habang nakasunod sina Grand Monarch at Boat Buying, nasa hulihan pa rin ang winning horse na si Earli Boating.


Pero pagsapit ng far turn ay lumalapit na sa unahan si Earli Boating at sa bandang labas ito dumaan.


Nagkapanabayan sina Borrowed Heaven, Rough Cut na umagaw ng unahan at Earli Boating pagdating ng huling kurbada.


Subalit sa rektahan ay sina Earli Boating at Rough Cut na ang nagbakbakan at nagwagi ang una ng ilong lang ang pagitan. Hinamig ni Earli Boating ang P900,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon habang pumangalawa ang Rough Cut na kumubra ng P300,000.


Tumersero si Winner Parade na nagbulsa ng P150,000 habang pumang-apat si Grand Monarch na sumilo ng P75,000. Nakopo rin ng breeder ng winning horse ang P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third ayon sa pagkakasunod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page