Eala yumuko sa Russian rival sa Abu Dhabi Open
- BULGAR

- 15 hours ago
- 1 min read
ni Nympha Miano-Ang @Sports | February 6, 2026
Photo: Alex Eala at Russian Ekaterina Alexandrova / WTA
Hindi gumana ang mahika ni Alex Eala sa kanyang pagbabalik nang yumuko siya laban kay Russian Ekaterina Alexandrova, 3-6, 3-6 sa kanilang quarterfinal match sa WTA 500 Abu Dhabi Open sa UAE kagabi, Peb. 5.
Sa halos wala pang 24 oras na pahinga at tatlong oras na humarap sa bakbakan, matinding pagod na rin marahil ang nakapagpasuko sa 20-anyos dahil humahabol ito sa likod ng mga iskor ng No. 2 seed na si Alexandrova sa magkasunod na sets.
Nagawa pang dumikit ng WTA no. 45 na si Eala sa agwat ng marka, pero nanatili ang lakas ng world no. 11 at tiniyak na hindi makakahabol ang Filipina netter.
Si Alexandrova ang unang pumasok sa semifinals at makakatapat sinuman kina no. 5 seed Russian Liudmila Samsonova o American Hailey Baptiste.










Comments