top of page

Eala tumaas uli sa world no. 40 ang WTA rankings

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9
  • 1 min read

Updated: Feb 10

by MC @Sports News | February 9, 2026



Bonifacio Global City Fort BGC - Taguig City

Photo FIle



Umangat pa sa pang-5 baytang ang WTA rankings ni Filipina tennis phenom Alex Eala at ito na rin ang itinuturing niya kanyang bagong career-best matapos ang kampanya sa Abu Dhabi Open. 


Nasungkit ni Alex Eala ang isa pa uling career-best sa WTA rankings at tumaas pa sa world no. 40 sa pinakahuling edisyon na inilabas kahapon makaraan ito ng kanyang laban sa quarterfinals sa Abu Dhabi Open ang una niyang WTA 500 tournament ng taong 2026. 


Tumingkad ang laro ni Eala nang makamit ang comeback victory laban kay Aliksandra Sasnovich sa halos 3 oras na bakbakan na nagawa pang makahabol mula sa 0-4 na  pagkaiwan sa  puntos, pero nalusutan niya ang 0-5 sa deciding third set para makalusot sa susunod na round. 


Gayunman, kinapos siya na makapasok sa semifinals makaraang payukuin ni Ekaterina Alexandrova, kung saan nagawang pumasok ng huli sa Top 10 sa ranking ngayong Linggo. 


Ang huling laro ni Eala ang nagpaangat pa sa kanya sa 100 spots mula nang makahabol siya sa semifinals ng Miami Open ng nakaraang taon, kung saan siya nabigyan ng wild card entry sa WTA No. 140. Pumaimbulog ang career ng 20-anyos na netter sa loob lamang ng wala pang isang taon. 


Ang bago niyang career-best ay lumabas bago ang pagsalang ni Eala sa una niyang WTA 1000 tournament sa Qatar Open kahapon. Nakaharap niya kagabi (oras sa Pilipinas) si WTA No. 48 Tereza Valentova sa Round of 64 sa pag-asang makapasok sa top-level tournament ngayong season.           


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page