top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Eala-Williams duo natuldukan sa National Bank Open, Toronto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 7, 2026



Eala-Williams duo natuldukan sa National Bank Open, Toronto

Photo: Circulated - Williams Eala duo



Nabigo si Pinay tennis ace Alex Eala sa kanyang sabak sa women’s double katambal muli si legendary tennis great Venus Williams sa 0-2, 4-6, 3-6 kontra sa pares nina Miyu Kato at Liudmila Samsonova Biyernes ng umaga sa WTA 1000 National Bank Open Sobeys Stadium sa Toronto, Canada.


Sa kabila ng pagkatalo, nagpakita ng malakas na chemistry ang tambalang Filipino-Amerikano at nagbigay sa mga tagahanga ng mga di-malilimutang sandali sa kanilang pagtakbo sa torneo.


Naghiyawan pa rin ang mga manonood nang lumabas na sa arena ang tambalang Eala-Williams. Puntiryang pahabain ni Eala ang kanyang 29-17 na rekord ngayong taon, na naghahanda rin para sa huling Grand Slam tourney na US Open, simula Agosto 23 hanggang Setyembre 13 sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Queens, New York, sa Estados Unidos, gayundin ang katawanin ang bansa sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games at ang WTA 500 Singapore Open, simula Setyembre 21 hanggang 27 sa OCBC Arena sa The Kailang, Singapore. (Gerard Arce)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page