top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg

Eala target ang P15-M sa final match kay Pegula

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 3, 2026



Alex Eala vs Pegula - WTA

Photo: Alex Eala vs Pegula - WTA



Puintiryang mapasakamay ni Filipina tennis star Alex Eala ang mahigit sa P15-M  papremyo sa pakikipagtuos sa winner-take-all finals match laban kay World No.3 Jessica Pegula ng U.S. sa Mubadala Citi DC Open ngayong madaling araw sa William H.G. FitzGerald Tennis Center sa Washington, DC.


Paglalabanan ng dalawang finalists ang cash prize na $252,000 para sa magkakampeon, habang papalo sa $155,000 o mahigit sa P9.5-M ang matatanggap ng runner-up ito ay matapos na patalsikin ni Eala ang dating reyna na si Filipino-Canadian Leylah Fernandez sa round-of-16 at giniba sa semis si  4-time Grand Slam titlists Naomi Osaka ng Japan.


Matatandaang kumubra si Eala ng mahigit sa P20-M sa pagpasok sa round-of-16 ng Wimbledon Open, bilang isa sa mga malalaking cash prize na natanggap niya sa pro tournament. Inaasahang bibira ng husto si Eala sa hard-court tourneys na naghahanda para sa huling Grand Slam tourney na US Open, simula Agosto 23 hanggang Set. 13 sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Queens, New York. 


May $5M na cash prize o aabot sa mahigit sa P306-M para sa magkakampeon sa US Open, habang ang runner-up ay papalo sa $2.5M o mahigit sa P153-M para sa singles ng men’s at women’s matches, habang inaasahan ding lalahok sa mixed doubles match si Eala, katambal si 2024 Paris Olympics bronze medalist at kasalukuyang ATP World No.4 Felix Auger-Aliassime ng Canada, na puntirya naman ang $1M.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page