12 sa nat'l team at 8 veteran sa Track Asia Cup Tagaytay

by MC @Sports News | November 24, 2026

Photo: Nakatakdang mag-host ang Tagaytay CT Velodrome para sa 11 bansa na kumpirmadong lalahok sa Track Asia Cup mula Disyembre 1 hanggang 7. Ang lugar ay pangalawang ulit na pinagdausan ng pangunahing pandaigdigang kompetisyon sa kontrol ng UCI kung saan unang idinaos ang Asian Cycling Confederation Track Championships noong Marso. (goforgoldpix)
Sisikad ang 12 siklista ng pambansang koponan ng Pilipinas maging ang 8 mula sa Standard Insurance Track Team sa Tagaytay CT Velodrome leg ng Track Asia Cup simula sa Disyembre 1 sa Tagaytay City.
Ang mga beteranong siklista ang bubuo sa national team, kabilang ang dating kampeon ng SEAG na si Jermyn Prado na susubok sa track mula nang manalo ng ginto sa women’s individual time trial at pilak sa road race na idinaos sa Tagaytay City noong 2019.
Ang iba pang kalahok sa UCI organized na Asian Cycling Confederation (ACC) na pinangasiwaan ng PhilCycling ni Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino ay ang mga dating kampeon ng kalsada na sina Kim Bonilla at Maura de los Reyes.
“Isa na naman itong pagsubok para sa ating mga siklista dahil makakalaban nila ang ilan sa pinakamahuhusay at promising na mga atleta sa Asya,” sabi ni Tolentino.
Sasamahan ni De los Reyes sa Standard Insurance Track Team sina men elite Adrian Bayot, Andrei Deudor, Archie Cardaña, Marcus Ricalde at Daniel Cordero at women elite Jelsie Sabado.
Ang national team ay sina Rex Krog, Zedric Honorica, Luke Romero, Marc Lago, Prince Azas, Joshua Gatmaitan, Clark Emphasis at Rudy Roque sa men elite kasama sina Prado at Bonilla at sa women’s category sina Marlen Marasigan, Angelica Altamarino at Jeanne Cervantes.
Tampok sa isang linggong karera ang time trial, sprint, team sprint, individual pursuit, points race at scratch race para sa men at women elite at junior categories at omnium (scratch, tempo, elimination at points) para sa men at women elite.





Comments