Eala runner-up sa Hong Kong Tennis Open, Liu nagkampeon

by Gerard Arce @Sports News | November 9, 2026

Photo: Alex Eala / IG
Ramdam ang mabigat na galaw para kay Filipina tennis ace Alexandra “Alex” Eala na sinubukang makasabay sa laban – ngunit sa bandang huli ay nabigo dulot ng iniindang right knee injury upang mabigong makuha ang ikalawang Women’s Tennis Association (WTA) Tour title ngayong taon sa bisa ng 3-6, 0-6 kontra Claire Liu ng U.S.A. sa winner-take-all finals ng Prudential Hong Kong Tennis Open kagabi sa Victoria Park Tennis Stadium sa Hong Kong, China kahapon.
Quarterfinals pa lang ay may iniindang injury na sa tuhod si Eala at lumala ito sa first set ng finals sa iskor na 3-4, kung saan kinailangan ng medical time out dahil sumasakit ang tuhod.
Photo: Tinanggap ni Alex Eala ang runner-up trophy sa Hong Kong Open kahapon at nakatakda na siyang sumabak sa isang homecoming exhibition game kontra Janet Tjen ng Indonesia sa Philippine Arena sa Disyembre 8 kasama ang ilang celebrities at rising Philta junior tennis players. (HKTennisOpen)
Simula nito ay nahirapan ng makahabol at makagalaw ng husto ang two-time WTA 125 at WTA 500 Mubadala DC Citi Open titlist para dominahin ng husto ng World No. 102 na Chinese-American para sa unang singles title.
Bagaman nabigong makuha ang panibagong kampeonato, tumuntong naman sa pinakamataas na ranggo sa World No, 15 si Eala sa nakolektang 2392 puntos. Kukubra si Eala ng gantimpalang $22,125 o mahigit sa P1.3 milyong piso kasama ang 163 rankings points, habang tumanggap si Liu ng $37,390 at 250 puntos.





Comments