top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

Taduran hindi isinuko ang korona, IBF champion pa rin

Writer: BULGAR
BULGAR
33 minutes ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 9, 2026



Taduran hindi isinuko ang korona, IBF champion pa rin

Photo: Circulated



Hindi pinayagan ni reigning at defending International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion Pedro “Kid Pedro Heneral” Taduran na mabitbit ang nalalabing korona ng Pilipinas patungong Espanya matapos magpamalas ng  kahusayan at katatagan sa ibabaw ng ring para ibigay ang unang pagkatalo ng Spanish challenger na si Brandon Moreno sa bisa ng 12-round unanimous decision   sa Kiva Auditorium sa Albuquerque, New Mexico kahapon.


Nanatiling agresibo at hindi tinantanan ng upak ng 30-anyos na Pinoy southpaw ang katunggaling Espanyol, na unang beses sumabak sa labas ng bansa para isang world title fight, upang maitala ang dalawang pagpabor ng mga hurado na sina Esther Lopez at Mark Sanchez na kapwa may 115-113 iskor at ang landslide na pagtingin ni Anthony Romero sa 120-108, tungo sa ika-7 sunod na panalo at ika-apat na world title defense.


Nagsilbing  coach sina Joven Jimenez, Jino Rodrigo, Pete Sussens at dating world champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas.   “It was a hard fight not gonna lie,” pahayag ni Taduran sa isang post. “He was heavy handed but my experience helped me adjust.”


Umangat ang kartada ni Taduran sa 21 wins, 4 loss at draw, habang nagwagi ng 14 na panalo mula sa knockout, upang manatiling nag-iisang Filipino champion. Natikman ni Moreno ang unang pagkatalo sa 16-1 (win-loss) rekord kasama ang 5 panalo mula sa knockouts. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page