top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Eala pinataob si Charaeva, pasok sa Birmingham QF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6
  • 2 min read

ni Gab Sumaria (OJT) @Sports | June 6, 2026



Bakbakan sa qfinals kagabi ng 10 p.m. PHL time sina Alex Eala at Thailander Mananchaya Sawangkaew sa Birmingham Open.

Photo: Bakbakan sa qfinals kagabi ng 10 p.m. PHL time sina Alex Eala at Thailander Mananchaya Sawangkaew sa Birmingham Open.



Nagpakitang-giaas si Pinay tennis sensation Alex Eala matapos pataubin ang Russian na si Alina Charaeva, 6-2, 7-5 upang umabante sa quarterfinals ng 2026 WTA 125 Birmingham Open kamakalawa ng hatinggabi. 


Hindi natinag ang top-seed na si Eala sa kabila ng matinding hamon sa ikalawang set kung saan nabaon siya sa 2-5 iskor.  Sa halip na bumigay, nagpakawala ang Filipina ace ng limang magkakasunod na set wins upang kumpletuhin ang impresibong comeback at tuluyang dispatsahin si Charaeva sa Round-of-16 show down.


Mabilis na inangkin ni Eala ang kontrol sa unang set at dominahin ang Russian netter, 6-2, sa agresibong pag-atake sa grass court ng Birmingham. Ngunit hindi naging madali ang ikalawang yugto nang makalamang si Charaeva ng 3 puntos, 5-2. 


Gayunman, ipinakita ni Eala ang  tikas at rumatsada upang tapusin ang set sa 7-5 at selyuhan ang panalo. Muling nagkrus ang landas nina Eala at Charaeva mula sa unang WTA Philippine Women's Open, kung saan nagwagi rin ang Pinay. 


Patuloy si Eala sa pagpapakitang-gilas sa Birmingham sa kabila ng bumabang ranking sa Women's Tennis Association (WTA) noong nakaraang buwan matapos maabot ang career-high na World No. 29 at ngayon ay nasa No. 37 sa mundo. Gayunpaman, malinaw na hindi naging hadlang ang ranking slide upang ipagpatuloy ang matikas na kampanya sa international stage.


Mas lalo pang gumanda ang balita para sa kampo ni Eala matapos siyang umangat sa main draw ng prestihiyosong WTA 500 HSBC Championships sa Queen's Club sa London. Nakuha niya ang puwesto kasunod ng pag-atras ng mga Amerikanang sina Jessica Pegula at Hailey Baptiste dahil sa injury. Matapos ang laro sa Birmingham, agad na sasabak si Eala sa Queen's Club Championships mula Hunyo 8 hanggang 14 at haharap siya sa ilan sa pinakamalalaking pangalan sa women's tennis. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page