top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Eala, pasok sa semifinals ng W25 doubles sa Spain

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | May 22, 2021




Nabigo man si Pinay tennis player Alex Eala na makapasok sa quarterfinals ng single sa Platja D’Aro tournament o sa W25 Spain, pero nakapasok naman ito sa semifinals ng doubles event.


Matatandaang nalaglag ang batang Pinay sa laban nila ni Irene Burillo Escorhuela ng Spain sa score na 6-2, 6-4. Lamang pa sa 2nd round si Eala sa kanilang laban pero nakabawi ang Spanish Tennis player at tuluyan nang tinalo ang Pinay tennis star. Bago maikasa ang laban vs. Escorhuela, tinalo muna ng 15-anyos na si Eala si Spanish qualifier Alba Carillo Marin sa score na 6-3, 5-7, 7-5.


Sa nasabi ring event, umusad sa semifinals ang tandem nina Eala at Russian partner na si Oksana Slekhmeteva ng $25K Platja D’Aro tournament matapos idispatsa ang top-seed na Russian duo na sina Sofya Lansere and Vlada Koval sa iskor na 6-3, 2-6, 12-10.


Samantala, handa na muling makipagsabayan sa PBA si TNT Tropang Giga star Jayson Castro matapos tuluyan nang makarekober sa injury sa tuhod. Ayon sa ulat, lumahok sa ensayo si Castro para paghandaan ang pagbubukas ng PBA matapos magpagaling ng 5 buwan sa ginawang operasyon sa tuhod. Sasabak si Castro kasama ang Tropang Giga sa dalawang linggong training camp sa Laoag, Ilocos Norte.


Aniya, maayos na ang kanyang pakiramdam at ito ang unang pagkakataon na lumahok siya sa training matapos operahan ang magkabilang tuhod para alisin ang dalawang bone spurs. Isiniwalat ni TNT resident physical therapist Dexter Aseron na maganda na ang kalagayan ng 34-anyos na si Castro at handa na ito sa ensayo maging sa pagsabak sa scrimmages. Nakuha ni TNT star ang injury noong Game 4 ng All-Filipino series laban sa Barangay Ginebra kung saan nagwagi ang Gin Kings.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page