Eala pasok na sa q'finals ng WTA, Sakatsume bigo
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | January 29, 2026

Photo: Ubos lakas na humampas sa bola si Pinay tennis ace Alex Eala upang gibain ang katunggaling si Himeno Sakatsume ng Japan sa ikalawang pagkakataon ng aksyon nila sa kasagsagan ng Philippine Women's Open WTA 125 125 na idinaraos sa Rizal Memorial Tennis Center. (Reymundo Nillama)
Iwinasiwas ni Pinay tennis ace Alex Eala si Japanese Himeno Sakatsume para makapasok sa quarterfinals ng WTA 125 Philippine Women's Open kagabi mula sa pagpapakita ng mahusay na laro sa Rizal Memorial Tennis Center, Manila.
Sa harap ng napunong Center Court sa Rizal Memorial Center, bumira nang todo si Eala para masiguro ang 6-4, 6-0 na panalo. Nakaresbak ang 20-anyos na si Eala laban sa Japanese foe na tumalo rin sa kanya noong 2023 sa Osaka. Sunod na makasasagupa ni Eala si Camila Osorio ng Colombia sa quarterfinals.
Samantala, ginimbal ni World No. 174 Tatiana Prozorova ng Russia at patalsikin si top seed at World No.42 Tatjana Maria ng Germany sa pagtala ng 7-6 (2), 6-4 panalo sa round-of-16, habang umabante sa q'finals sina 2024 Paris Olympic silver medalists Donna Vekic ng Croatia at mga Southeast Asian tennis player na si Lanlana Tararudee.
Makokonsiderang pinakamataas na ranggo ang German player na si Maria sa lahat ng mga lumahok sa kauna-unahang WTA 125 sa Pilipinas, subalit tila mas nagamit ng mas batang Russian ang katatagan upang matakasan ang 38-anyos na tennis player.
Aminado si Prozorova na naging dikdikan ang kanilang laro ni Maria, kung saan nakita niyang nakaramdam ng mas mabigat na pressure ang German tennis player kaya’t naisakatuparan nito ang tagumpay. Sunod na makakatapat ni Prozorova si World No. 143 Sofia Costulas ng Belgium na tinalo sa round-of-16 si Ye-Xin Ma ng China sa 6-2, 6-4.
Pasok na rin sa quarterfinals ang Croatian tennis player at No. 4 seed Vekic na dinaig si Mariia Tkacheva ng Russia sa 6-1, 6-2 at nakatakdang makaharap si Lin Zhu ng China na tinalo si Mananchaya Sawangkaew ng Thailand sa 6-3, 7-6 (5).








Comments