Eala nakausad sa qfinals ng Abu Dhabi Open
- BULGAR

- 14 minutes ago
- 1 min read
ni Nympha Miano-Ang @Sports | February 5, 2026
File Photo: Ang maaksiyong laro ni Alex Eala sa WTA 125. (Reymundo Nillama)
Nagmartsa na si Pinay tennis ace Alex Eala sa quarterfinals ng Abu Dhabi Open kagabi.
Nagawa pang habulin ni Eala ang 0-4 deficit sa 3rd set upang talunin si Aliksandra Sasnovich ng Belarus sa iskor na 2-6,6-4,7-6 (7-5).
Ilang ulit pang nagmintis ang mga serve ng world no. 45 laban kay Sasnovich lalo na sa opening set.
Bagamat malalakas ang bigwas ng Belarusian sa kaliwa at kanan kay Eala, nakahugot naman ng lakas ang Pinay sa Pinoy crowd upang itarak ang dalawang diretsong panalo at kaldagin ang 6th serve ni Sasnovich para sa 4-2.
Dito na nagsimulang makuha ni Eala ang momentum at isinelyo sa dulo ang panalo.
Haharapin ni Eala si World no. 11 Ekaterina Aleksandrova sa quarterfinals.
Nagwagi rin si Eala sa doubles katambal si Janice Tjen ng Indonesia at makakatapat sa quarterfinals sina Zhang Shuai at Cristina Bucsa.










Comments