top of page
TALKIES - VICE, HUMUGOT SA HIRAP NG BUHAY SA ‘PINAS_FB Vice Ganda.jpeg

Eala may exhibition game sa Philippine Arena sa Disyembre

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

by Anthony Servinio @Sports News | August 30, 2026



ANG poster ng Eala exhibition match niya sa Phil Arena sa Disyembre kontra Janice Tjen ng Indonesia.

Photo: Ang poster ng Eala exhibition match niya sa Phil Arena sa Disyembre kontra Janice Tjen ng Indonesia.



Masasaksihan ng kanyang mga tagahanga si Alex Eala sa isang engrandeng exhibition match - Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate - laban kay Janice Tjen ng Indonesia ngayong Disyembre 8 sa Philippine Arena. Puntirya rin nito ang magtala ng bagong World Record na pinakamaraming nanood ng isang laro ng tennis.


Sina Eala at Tjen ang mga itinuturing na pinakamalaking bituin ngayon sa Timog Silangang Asya. Si Tjen ay kasalukuyang ika-35 sa WTA Ranking kumpara kay Eala na nasa pinakamataas sa kanyang karera na ika-18.


Bago ang tampok na laro ay magkakaroon ng mga exhibition din ang iba pang mga pausbong na manlalaro at ilang mga artista. Ihahayag ang mga pangalan oras na makumpirma ang mga ito. "Masaya kami at excited na mapanood si Alex ng live," wika ng PHILTA President John Rey Tiangco. "Sa gitna ng kanyang mahigpit na schedule ay pinili pa rin niya ang katawanin ang bansa sa Asian Games."


Huling sumalang si Eala sa Philippine Women's Open noong Enero kung saan umabot siya ng quarterfinals. Mula roon ay panay sa ibang bansa ang kanyang mga laro. 

Mabibili ang tiket online sa TicketWorld. Maliban sa mismong laro ay magkakaroon ng maraming kaganapan sa loob at labas ng higanteng palaruan.


Ang exhibition ay inorganisa ng Tatler. Ito ang kanilang pagbabalik sa sports sa Pilipinas matapos ang isang torneo ng Golf subalit mas aktibo sila sa ibayong-dagat tulad ng Japan, Aprika at Gitnang Silangan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page