Eala lumakas ang birada, semifinalist sa Berlin Open
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 21, 2026

Photo: Tuloyang fairy tale story, bumabanat kagabi para sa semifinals match si Alex Eala laban kay World No. 13 Linda Noskov sa Berlin open makaraang talunin sa q'finals si World No. 8 Elina Svitolina. (wtapix)
Nagkaroon ng tsansang makakuha ng mas mataas na seeding sa prestihiyosong Grand Slam title na Wimbledon Open si Filipina Tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos ang magkasunod na tagumpay sa Vanda Pharmaceuticals Berlin Tennis Open na ginaganap sa Steffi Graf Center Court sa Berlin, Germany.
Malaking panalo ang kinubra ng 21-anyos na 2-time WTA 125 champion nang pataubin sina World No.2 Elena Rybakina ng Kazakhstan sa round-of-16 at World No.8 Elina Svitolina ng Ukraine sa quarterfinals sa iskor na 6-3, 6-4 para unti-unting makabalik sa dating career-high na World No. 29, kung saan kasalukuyan itong nakatayo sa World No.35.
Subalit sa kasalukuyang tala sa Women’s Tennis Association (WTA) Live Rankings ay nakapuwesto sa No.30 ang 33rd Southeast Asian Games singles titlist, na kasalukuyang hinaharap habang isinusulat ang balita kontra 8th seed at World No. 13 Linda Noskova ng Czech Republic.
Inaalam umano ang seeded players batay sa mga live na ranking ng WTA nitong Hunyo 19, 2026. Nakalagay sa No.29 si Eala, habang umatras sina Victoria Mboko ng Canada at Hailey Baptiste ng US dahil sa knee injury.
“I think I’m getting better, I hope I’m getting better being exposed to this kind of level more often. It really pushes you to your limits and forces you to showcase what you’ve got. Some weeks are better than others and I’m really enjoying this ride,” pahayag ng tennister na tubong Quezon City.
Nais makabawi ni Eala kontra Noskova na madali itong winalis sa bisa ng 2-6, 0-6 sa Indian Wells, habang puntiryang makuha ang unang sabak sa semifinals sa WTA 500, kung saan maaaring makatapat nito ang mananalo kina No.1 seed at World top tennis player Aryna Sabalenka ng Russia at third seed at fourth WTA ranking Jessica Pegula ng USA sa kabilang semifinal match.





Comments