Eala ipinaliwanag ang 'di tuloy na Venus tandem
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 28, 2026

Photo: Venus Williams at Alex Eala - IG
Nilinaw ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ang kadahilanan sa pagkabigong maibalik ang tambalan nila ni 14-time Grand Slam doubles champion Venus Williams sa women’s doubles ng Mubadala Citi DC Open sa pagsisimula ng North American hard-court swing.
“I’m very grateful for every opportunity I get to play with Venus and train with her and just learn from her,” pahayag ni Eala sa panayam ng beteranong mamamahayag na si Dianne Castillejo sa U.S.
“But I think she deserves someone who can give her all, both physically, mentally, and in all aspects, and I think, being it’s my first week back, I won’t be able to do that for both singles and doubles,” pahayag ni Eala, na sinigurong walang anumang nararamdamang injury.
Minsang nagtambal sina Eala at Williams sa Bad Homburg Open women’s doubles matapos tumuntong sa quarterfinals nang padapain ang pares nina Catherine Harrison ng US at Alexandra Osborne ng Australia sa iskor na 6-3, 6-4. Ngunit hindi pinalad ang samahan.
Naging kaabang-abang pa naman ang pagsasama ng two-time Pinay WTA 125 titlists at dating multiple Grand Slam at Olympic champion matapos lumabas sa social media ang pagsasanay bilang paghahanda sa WTA 500 tourney pero ikinagulat ng fans ng 21-anyos na Pinay na si World No. 18 at kababayang si Diana Shnaider ang kapalit niya.
Tutok na lamang sa single match ang World No.29 na sakaling makatakas at makabawi kay Zheng ay makakatapat ang defending champion at Filipino-Canadian Leylah Fernandez.





Comments