top of page
SPECIAL - “VICE, QUEEN OF ALL NETWORKS” - MVP-IG _praybeytbenjamin.jpg

Eala brand ambassador na, aangat din ang kita sa $3-M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 37 minutes ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 13, 2026



Ang bagong gupit na si Alex Eala habang nasa free time bago sumabak sa Cincinnati Open. (cosmopolitanphils)

Photo: Ang bagong gupit na si Alex Eala habang nasa free time bago sumabak sa Cincinnati Open. (cosmopolitanphils)



HIigit na ngang napapansin sa buong mundo ang kasikatan ni Filipinas tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos itong makatanggap ng karagdagang pagkilala bilang pinakabagong brand Ambassador ng travel loyalty program ng isang pandaigdigang chain ng mga hotel.


Tiyak nang makakarating sa iba’t ibang panig ng mundo ang “Eala-Mania” matapos opisyal na ianunsyo nitong Lunes na magsisilbing pinakabagong brand ambassador ng Marriott Bonvoy, ang travel at hotel loyalty program ng Marriott International, ang 21-anyos na tennis rising star.


“Marriott Bonvoy, the award-winning travel program of Marriott International and Official Hotel Partner of the Australian Open, today announced Filipino tennis star Alex Eala as the face of its Asia Pacific excluding China (APEC) edition of the globally celebrated Tennis ‘The World campaign,” ayon sa inilabas na statement ng kumpanya patungkol sa naganap na anunsyo ng naganap na kasunduan.


“The partnership marks a landmark moment for the loyalty program as it champions Marriott Bonvoy Moments through sport — one that is youthful, authentic and inspirational. Parte ng mga nilalahukan ni Eala ang pagbiyahe sa iba’t ibang lugar bilang isang propesyunal na tennis player.


Kaya’t malaking tulong ang natanggap na bagong kasunduan habang sumasabak sa kanyang pampalakasan. Patuloy din ang pag-angat ng kanyang mga kita na malapit ng matamo ang $3 milyon, at maaaring mas humataw pa ang pagdami ng sponsors sa nalalapit na pagbira ng US Open simula Agosto 23 hanggang Set.13 sa New York City.


Bagaman nagtapos ang kampanya sa Toronto Open, naghahandang sumabak muli ang two-time WTA 125 champion sa 2026 Cincinnati Open sa pinakamataas na main draw sa 17th seed.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page