top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Tapales at Laurente nasuntok WBF KO's crowns sa Thailand

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 27, 2026



Tapales at Laurente nasuntok WBF KO's crowns sa Thailand

Photo: Tapales at Laurente. asianmma/juanderradyo



Tagumpay sa kanyang debut sa bagong weight division si dating unified world champion Marlon “Nightmare” Tapales matapos ikasa ang second-round knockout kontra hometown bet Nirun Baonok para sa World Boxing Federation (WBF) International featherweight title, habang nanatiling unbeaten si Criztian “Golden Boy” Laurente matapos patumbahin sa third round ang isa pang Thai boxer na si Benchalong Tanbu sa co-main event para maging WBF International lightweight titlist, sa UH-F-CC Pattaya, Thailand.


Hangad ng 34-anyos mula Tubod, Lanao del Norte na makamit ang kanyang ikatlong korona sa panibagong dibisyon, na nagawang pabagsakin ng dalawang beses ang Thai boxer tungo sa ika-42nd panalo laban sa limang talo, kasama ang tagumpay sa 23 knockouts sa main event, habang bumagsak sa 15-34 ang Thai boxer.


Maagang nagpamalas ng matinding birada ang dating two-division titlist sa opening bell pa lamang ng bumato ng eksaktong mga bira at kumbinasyon upang pataubin si Baonok. Bagaman nakaligtas sa first round, ipinagpatuloy ni tapales ang kanyang mga detalyadong counterpunching upang tapusin ang Thai boxer.


Nakabawi si Tapales sa masaklap na unanimous decision na pagkatalo kay Yukinori Oguni ng Thailand noong Abril para tapusin ang four-fight winning run ng Pinoy boxer.


Sa kabilang banda, nagpasikat rin ang kakampi ni Tapales na si Laurente nang tapusin ang isa pang Thai boxer para iangat sa 17-0 ang rekord kasama ang 10 knockouts, para mailista ang back-to-back panalo ngayong taon matapos ang fourth round TKO kontra Jing Aguan nitong Hunyo sa General Santos City, habang bumagsak naman sa 6-3-1 ang kartada ni Tanbu kasama ang tatlong KOs.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page