top of page

Eala, 1st Phil Grand Slam Champ sa U.S. Open Junior girls singles

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | September 12, 2022


ree

Umukit sa kasaysayan ng Philippine tennis ang pangalan ni Alexandra “Alex” Eala nang maging kauna-unahang Pinay na nagwagi ng grand slam singles championship sa US Open Juniors sa New York City kahapon.


Ginitla ni No. 10 seed Eala, ang natatanging Pinay na may dalawang junior doubles grand slam titles si Czech No. 2 seed Lucie Havlickova, 6-2, 6-4 sa mainit na hatawan ng raketa sa USTA Billie Jean King National Tennis Center.


“Buong puso ko itong ipinaglaban hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. So hindi lang ‘to panalo ko, panalo natin lahat. (I fought for this wholeheartedly not only for myself but also to help with the future of Philippine tennis. So, this is not just my victory, but the victory of all of us),” saad ni Eala habang nangingilid ang luha sa pagtanggap ng tropeo.


Nagpaabot din siya na pagbati kay Havlickova at saka niya pinasalamatan ang pamilya at ang lahat ng mga kaibigang sumuporta at nanalangin para sa kanya, sa tournament organizers at mga sponsors maging ang team ng Rafa Nadal Academy.


Unang sumalang ang 17-year-old sa bakbakan sa Court 11, kung saan nagawa niyang ipatas ang ikatlong game sa 2-2. Unang nag-break serve si Eala, ang Rafa Nadal Academy scholar para 3-2, makaraang ang double fault ni Havlickova.


Unang napagwagian ng dating ITF Juniors World No. 2 ang girls’ doubles titles sa 2020 Australian Open at 2021 Roland Garros. Siya rin ang kasunod na Filipino na nagkamit ng slam championship kung saan una itong nakamit ni Francis Casey Alcantara na naghari noong 2009 Australian Open boys’ doubles.


Agad siyang nagtatakbo sa stands kung saan naroon ang kanyang coach na si Adrien Vaseux ng Rafa Nadal Academy, mga magulang na sina Michael at Rizza, kapatid na si Miko, na naglalaro rin sa International Tennis Federation (ITF) Tour at sa Penn State sa United States NCAA Division 1.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page