top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Beal, Clarkson at Lillard, nakabawi

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 22, 2021






Kumuha ng malaking panalo ang Washington Wizards sa bisitang Miami Heat, 103-100, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa Capital One Arena. Umangat ang Wizards sa 11-5 bilang unang hakbang sa pagbawi ng liderato ng Eastern Conference na kasalukuyang hawak ng Brooklyn Nets sa 12-5.


Nagpaulan ng 3-points sina Spencer Dinwiddie at Kentavious Caldwell-Pope upang maagaw ang lamang, 99-96, at 1:43 sa orasan. Mula roon ay nagpakatatag si Kyle Kuzma sa apat na free throw at nakahinga ng maluwag ang Wizards matapos hindi bilangin ang tres ni Bam Adebayo kasabay ng huling busina na magtatabla sana sa laban.


Namuno sa Wizards si Bradley Beal na may 21 puntos habang parehong 16 puntos sina KCP at Dinwiddie galing sa pinagsamang siyam na tres. Sinayang ng Heat ang kanilang 63-47 lamang noong third quarter at 94-84 na may 4:42 sa laban bago ang rally ng Washington.


Nanambak ang bisitang Utah Jazz sa Sacramento Kings, 123-105, kung saan lumayo sila sa 4th quarter sa bisa ng 16 puntos ni Pinoy Pride Jordan Clarkson. Nanguna sa Jazz sina Donovan Mitchell na may 26 puntos at Rudy Gobert na may 21 puntos at 14 rebound.


Nakagawa ng 39 puntos si Damian Lillard sa 118-111 tagumpay ng Portland Trail Blazers sa bisitang Philadelphia 76ers. Bumida din si Jayson Tatum sa kanyang 33 puntos upang buhatin ang Boston Celtics kontra sa Oklahoma City Thunder, 111-106.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page