EA and Shaira, 11 yrs. na pero never nag-sex
- BULGAR
- Feb 21, 2024
- 2 min read
ni Rensel Sabando @Entertainment | February 21, 2024

Nag-trending ang naging panayam nina EA Guzman and Shaira Diaz sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ nu’ng Monday, Pebrero 19, nang ibulgar ng dalawa na nagpraktis sila sa 11 years relationship nila ng celibacy.
Ang engaged couple ay nag-explain kung paano nila nagagawa iyon lalo’t dalawa lang silang nagta-travel sa ibang country.
EA admits na in their two years na magkasama sila, umiiyak siya na hindi niya kaya ito.
Ayon sa aktor, “Ang hirap. To be honest, ang hirap. Noong time na iyon, parang hindi ko na kaya. Kasi siyempre, ‘di ‘ba?”
Ang sabi ni EA kay Shaira during those years, “Baba, hindi ko na kaya,” pero may sinabi ang aktres na talagang natamaan siya.
“Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako,” diin ni EA na sinabi raw sa kanya ni Shaira.
Dagdag pa ng actor, “Doon ako tinamaan. Iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag nakakaramdam ako ng ganito.”
Paglilinaw ni EA, nu’ng nag-announce sila about sa engagement ay sinabi niyang “I respect Shaira a lot - kung alam lang nila.”
Sagot ni Shaira, “Kasi ako po, ino-honor ko po 'yung family ko, especially my mom and dad. Iyan po ang promise ko sa kanila talaga na kahit iwan n'yo ako saan, ito, buong-buo pa rin ako.”
“Sabi nila, iyon 'yung best gift na maibibigay mo sa asawa mo,” dagdag nito.
Naging emotional naman ang mga sumunod na panayam kay EA, dahil at last, nasabi rin niya sa buong mundo na si Shaira ang habambuhay niya, kahit na matagal niyang itinago sa mga guesting niya kay Tito Boy ang engagement nila ng aktres.
Samantala, nu’ng February 17 lang ay nag-celebrate na sila ng kanilang 11th year anniversary na simple at nasa bahay lang sila.
Sapagkat ang best celebration nila ay nagawa na raw nila nang ma-broadcast on TV ang kanilang pagmamahalan.
Comments