top of page
Search
  • BULGAR

E-health services na tutugon sa epektibo at mabilis na serbisyong medikal, oks!

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | September 25, 2020



Sa kabila ng quarantine measures na ipinatutupad dahil sa COVID-19, isa sa mga serbisyong labis na naantala ay ang pagbibigay ng epektibo at mabilis na payo at serbisyong medikal sa ating mga kababayan.


Isa sa mga lumitaw na magandang suhestiyon upang masolusyunan ang problemang ito ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang alternatibong pamamaraan ng health service delivery method—tulad ng telemedicine—gamit ang internet at ibang communications channels.

Sa tulong nito, mas madali nang mararating ng ating mga kababayan ang mga healthcare professionals para tugunan ang kanilang mga problema sa kalusugan. Mura at laganap na rin ang mga teknolohiya at gadget, tulad ng telepono, cellphone, kompiyuter at internet na kakailanganin kaya madali na lang ipatupad ito.


Para tuluyang mangyari ito, isinulong natin ang Senate Bill No. 1803 o ang “e-Health System and Services Act of 2020” na naglalayong ma-regulate ang practice ng telemedicine at e-Health sa bansa at magtakda ng mga pamantayan para sa mga taong magbibigay ng e-Health services.


Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng patas na estado ang e-Health sa mga tradisyunal na healthcare delivery methods at masisiguro natin na dekalidad at ligtas ang serbisyong ito para sa mga pasyente.


Suportado natin ang pagbubuo ng grupo ng mga Pilipinong may medical-related degrees, tulad ng medisina, nursing, at medical technology, ngunit wala pang lisensiya, para maging katuwang ng mga medical professionals sa panahon ng krisis. Tatawagin silang Medical Reserve Corps.


Sa panukalang SB No. 1451 o ang Medical Reserve Corps Act of 2020, kapag may national emergencies, magkakaroon ng dagdag-suporta ang ating healthcare workers at madaragdagan ang tauhan para sa mga emergency response efforts mula sa hanay nito. Bibigyan nito ng oportunidad ang mga nakapagtapos ng medical-related courses na makapagserbisyo sa kanilang kapwa Pilipino at makapagsilbi sa kanilang bayan na may karampatang suweldo.


Naging learning experience para sa atin ang COVID-19. Hindi lang dapat tayo matuto, dapat maghanap din tayo ng paraan para hindi na muling maantala ang ating pamumuhay sakaling may dumating na magkahalintulad na pangyayari.


Muli, magtulungan tayo. Magbayanihan at magmalasakit tayong lahat hindi lamang para sa ika-uunlad ng bansa, kundi para malampasan natin ang krisis bilang nagkakaisang mamamayan.

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page