E-bike, papayagan sa bike lane depende sa klase — LTO
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 2, 2025

Photo File: MMDA
Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na may partikular na klase lamang ng mga electric bike o e-bike ang papayagang dumaan sa bicycle lanes sa EDSA kasunod ng pagbabawal nito sa mga highway sa Metro Manila simula ngayong Biyernes, Enero 2.
“‘Yung e-bike na dalawa ang gulong pero mistulang motorsiklo na talaga siya — higher CC — mga malalakas, mga matutulin, hindi puwede sa bike lane kasi baka makaaksidente,” ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao.
Idinagdag din niya na ang mga two-wheels at may bigat na 50 kg pababa lamang ang papayagan sa bike lane ng EDSA.








Comments