Dyowa ni Caloy, sinisisi sa socmed na dahilan kaya sinibak na endorser ng Milo Phils.
- BULGAR

- Sep 21, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Sep. 21, 2024

DEMOLITION JOB VS. SEN. BONG GO, HINDI MAGTATAGUMPAY KASI MARKADO NA SA ISIPAN NG MAMAMAYAN NA ISA SIYANG WORKING SENATOR -- Siguradong kamot-ulo ang mga nagsasagawa ng demolition job laban kay Sen. Bong Go.
Sa latest senatorial survey kasi ng Octa ay rank 4 (49%) si Sen. Bong Go, 1 point lang ang lamang sa kanya ng rank 3 (50%) na si former Sen. Tito Sotto, 8 points ang lamang sa kanya ng rank 2 (57%) na si TV host Ben Tulfo at 11 points ang lamang sa kanya ng rank 1 (60%) ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, na ibig sabihin puwedeng mangyari na sa mismong araw ng halalan next year ay maungusan pa niya sa ranking sina Tito Sotto, at magkapatid na Ben at Erwin Tulfo.
Ibig sabihin niyan, kahit anong uri ng paninira ang gawin kay Sen. Go ay hindi paniniwalaan ng publiko, kasi nakamarka na sa isipan ng mamamayan na isa siyang working senator na bukod tangi siya lang ang nakaisip gumawa ng batas na Malasakit Center (free hospitalization sa public hospitals) at Super Health Center (free laboratory) na ang nakikinabang ay ang milyun-milyong Pinoy, period!
XXX
NAGING BAD ANG UGALI NI CALOY MULA NANG MAGING DYOWA SI CHLOE, KAYA SIBAK SIYANG ENDORSER NG MILO PHILIPPINES -- Ang dyowa ni 2 gold medalist Carlos Yulo na si Chloe ang sinisisi ng netizens sa social media sa pagsibak ng Milo Philippines kay Caloy bilang endorser ng produktong ito.
Alam naman kasi ng publiko na noong wala pang nobya si Caloy ay mabuti siyang anak, kapatid at apo at naging bad lang ang ugali nang maging dyowa niya si Chloe, at tiyak na hindi nagustuhan ng Milo Philippines ay nang i-TikTok pa niya ang kanyang mama na palabasing magnanakaw at pagkaraan ay itinakwil na ang buong pamilya. At dahil pampamilya ang produktong Milo, sibak bilang endorser ang inabot niya, boom!
XXX
DAPAT IMBESTIGAHAN NG SENADO O KAMARA ANG HOARDING NG 20 MILYONG KILO NG BIGAS SA CUSTOMS -- Natuklasan ng Philippine Port Authority (PPA) ang nakaimbak na 20 milyong kilo ng bigas sa loob ng Customs, na ayon kay PPA General Manager Jay Santiago ay sadyang itinago ito ng rice cartel para kapag nagkaroon ng rice shortage sa bansa ay saka ito ilalabas sa mahal na presyo per kilo o per kaban.
Aba teka, bakit si PPA GM Santiago pa ang unang nakaalam niyan na may naka-hoard na 20 milyong kilo ng bigas sa MICP at hindi sina Dept. of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel at Customs Comm. Bienvenido Rubio?
Dapat imbestigahan ito ng Senado o Kamara kasi kung hindi ito natuklasan ng mga taga-PPA, nakupo, eh tiyak dusa na naman ang aabutin ng mamamayan sa taas-presyo ng bigas, period!
XXX
KUNG TINUPAD NI PBBM ANG PROMISE NIYANG IPAPAKULONG MGA AGRI-SMUGGLER AT RICE HOARDERS WALA NA SANANG NAGHU-HOARD NG BIGAS -- Kung tinupad lang ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang promise niya noong ikalawa niyang State of the National Address (SONA) noong July 2023 na papakasuhan, ipapahuli at ipapakulong niya ang mga agri-smuggler at rice hoarders, wala na sanang naglalakas-loob na rice cartel na mag-hoard ng bigas.
Kaya siya nasasabihan ni ex-P-Duterte ng, “Magtrabaho ka”, kasi ang Presidente ngayon, pulos pabida lang ang alam, kulang sa gawa at aksyon, boom!




Comments