Dyip sinagasaan ang SMB, Paul, lumipat sa Warriors
- BULGAR
- Jul 17, 2023
- 2 min read
ni MC @Sports | July 17, 2023

Nalampasan ng Terrafirma Dyip ang kabuuangpanalo sa buong PBA Season 47 sa pagpapatuloy ng PBA on Tour at sungkitin ang ikaapat na panalo sa iskor na 85-72 laban sa 11-man San Miguel team kagabi sa Filoil Ecooil Centre, San Juan City.
Tanging kabuuang 3 games ang napagwagian ng Dyip noong nakaraang season laban sa 31 na pagkatalo. Ang panalo na rin ang nagpapigil sa three-game losing skid ng Dyip para umangat sa 4-6 sa isang game na lamang ang nalalabi sa kanilang iskedyul.
Namuno si Juami Tiongson para sa Terrafirma na nakagawa ng 15 puntos, six assists at three steals.
Tinapos naman Golden State Warriors ang kanilang trade sa Wizards para kay guard Chris Paul, ipinadala sina forward Patrick Baldwin Jr. at guards Jordan Poole at Ryan Rollins sa Washington kasama ang isang pares ng draft pick.
Makatatanggap ang Wizards ng 2027 second-round selection at 2030 first-round choice, sinabi ng team sa pag-anunsyo ng swap.Pinapirma rin ng Golden State ang beteranong free agent guard na si Cory Joseph.
Isang 12-time All-Star, ang 38-anyos na si Paul ay nakatakdang umakma at mag-pressure sa Splash Brother tandem nina Stephen Curry at Klay Thompson habang nagsusumikap ang Warriors na habulin ang isa pang kampeonato.
Matapos manalo ng titulo noong 2022, natalo ang Golden State sa Western Conference semifinals kay LeBron James at sa Lakers. Naabot ni Draymond Green noong nakaraang linggo ang kasunduan sa isang bagong $100 milyon, apat na taong kontrata. Nakuha ng Washington si Paul mula sa Phoenix Suns noong Hunyo 24.
Nag-average ang point guard ng 13.9 points, 8.9 assists, 4.3 rebounds at 1.54 steals sa loob ng 32.0 minuto habang sinisimulan ang lahat ng 59 laro na nilaro niya para sa Phoenix noong nakaraang season.








Comments