Dyip, humahaba ang biyahe sa tagumpay, bossing, dinale
ni Gerard Arce - @Sports | September 06, 2021

Mas lalo pang pinahaba ng Terrafirma Dyip ang kanilang biyahe sa tagumpay nang itakbo ang ikatlong sunod na panalo kontra Blackwater Bossing, 96-84, kahapon sa 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Dahil sa panalo umakyat sa solo 8th place ang Dyip sa kartadang 3-4 at mas luminaw ang tsansa sa playoffs. Maaaring ito na rin ang isa sa mahabang streak ng team sapul nang sumali noong 2014. Bumandera para sa Dyip mula National University na si Reden Celda sa 15 puntos, habang nag-ambag ang beteranong si Aldrech Ramos ng 17 pts gayundin sina Philip Cahilig na may 12 pts at tig-10 pts sina Shawn McCarty at Juami Tiongson.
“Sabi ni coach sa amin na take a game parang championship sa amin, ready kaming lahat,” wika ng 29-anyos na Davao City native matapos ang laro.
Gaya ng sinabi sa mga manlalaro, nagtulungan ang players ni coach Johnedel Cardel upang mas pagbutihan pa magandang depensa at pasensya sa laro at tulungan si Tiongson dalawang magkasunod na panalo kontra San Miguel Beermen (3-2) at Ginebra San Miguel (2-3) para sa bagong winning streak.
“Juami will play a decoy, we know na check na siya ng kalaban, and other players step up naman to help the team. Kaya malaking bagay sa amin yun,” pahayag ni Cardel. “I told the players to just stay focused and play defense and patience sa laro kaya nakalayo kami,” aniya matapos ang 65-all sa 3rd quarter.
Samantala, muling inilipat ang laban ng Meralco Bolts (5-2) at defending champion Ginebra San Miguel (2-3) ng 4:35 ng hapon matapos ilagay sa health and safety protocols.Naunang hindi pinaglaro ang salpukan ng Alaska Aces (2-4) at San Miguel Beermen (3-2) sa second game nitong Sabado.





Comments