top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Duterte gov’t, talo pa ni Angel Locsin na marunong umako ng pagkukulang

BULGAR
Apr 25, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 25, 2021


MABUTI PA SI ANGEL, INAKO ANG PAGKUKULANG PERO ANG DUTERTE GOV’T. AYAW UMAMING SABLAY ANG TUGON NILA SA COVID-19—Inako ni Angel Locsin ang responsibilidad sa pagkamatay ng isang senior citizen na pumila sa inilunsad niyang community pantry, kasabay ng kanyang kaarawan na pagbibigay-tulong sa nagugutom na mamamayan, na ibig sabihin ay tanggap ng aktres ang kanyang pagkukulang at pagkakamali sa insidenteng ito.


Mabuti pa si Angel, agad inako ang pagkukulang sa paghahanda kung kaya’t sumablay ang kanyang community pantry na ikinasawi nga ng isang lolo, pero ang Duterte gov’t. ayaw amining sablay ang pagtugon nila sa laban sa COVID-19 kasi sabi ni P-Duterte ay hindi sila nagkulang kahit higit P16-K Pinoy na ang namatay sa deadly virus, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KUNG SAPAT ANG AYUDA, WALA SANANG COMMUNITY PANTRY—Wala sanang namatay sa community pantry ni Angel at hindi sana nag-organize ng community pantry kung sapat lang ang ibinigay na ayuda ng Duterte gov’t. sa mamamayan na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19.


Mantakin n’yo, P2.74 trilyon ang inutang ng Duterte gov’t. sa iba’t ibang financial institution sa buong mundo na pagtugon sa mga problemang dulot ng COVID-19, pero ang masaklap, nang makuha na ang mga inutang, tinipid ang mamamayan sa ayuda, boom!


◘◘◘


YORME, SUPALPAL KAY GOV. REMULLA—Sinupalpal ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pabidang post sa social media ni Manila Mayor Isko Moreno na bumabatikos kay Mayor Jun Dualan ng Naic, Cavite na kesyo mga botante lang nito ang binibigyan ng ayuda, at hindi binigyan mga dating residente ng Maynila na ni-relocate noong 2019 sa pabahay sa Naic.


Sabi ni Gov. Remulla, hindi talaga mabibigyan ng ayuda mula sa national gov’t. na ipinamahala sa DSWD at LGUs ang mga dating taga-Maynila na residente na ng Naic dahil noong 2019 lang nalipat ang mga ito, at ang pinabibigyan lang ng pinansiyal na tulong ng Duterte gov’t. ay ang mga nakatala sa 2015 census, period!


◘◘◘


HINDI LANG SUPALPAL ANG INABOT NI ‘YORME’, SINABIHAN PA SIYA NI GOV. REMULLA NA HAMBOG—Ang matindi, hindi lang basta panunupalpal ang ginawa ni Gov. Remulla kay Mayor Isko kasi sinabihan pa niyang hindi pa nagiging pangulo ay sobrang hambog na raw ni Yorme.


May punto si Gov. Remulla, kasi hindi nga naman tama na parehong alkalde sina Moreno ay Dualan, pero sa tirada ni Yorme ay tila feeling nito, mas may power siya kaysa sa alkalde ng Naic. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page