top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Duterte-Duterte 2022, tablado at babanggain ni Pacman?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2020
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 8, 2020



DUTERTE-DUTERTE SA 2022 “BABANGGAIN” NI PACMAN?—Tila tablado kay Sen. Manny Pacquiao ang lumulutang na Duterte-Duterte 2022 (Mayor Sara Duterte for president at P-Duterte for vice-president) kasi nang matanong siya ng mamamahayag tungkol dito, imbes na “aprub” ang isagot, hindi siya nagkomento at sa halip ay ito ang kanyang isinagot... “Ang dapat pag-usapan natin ngayon ay ano ang maitutulong natin sa mga kababayan na nagugutom, naghihirap, walang mga tahanan.”


Sa tema nang sagot ni Pacman, tila kakana talaga ito sa 2022 election at babanggain ang Duterte-Duterte, abangan!


◘◘◘


SA P10 TRILYONG UTANG, ILANG PORSIYENTO KAYA DITO ANG NAPUNTA SA BULSA NG MGA BUWAYA?—Sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic, pumalo na sa higit P10 trilyon ang utang ng Pilipinas sa World Bank, International Monetary Fund (IMF) at sa ibang bansa.


Pero ang tanong, sa P10 trilyong ‘yan, ilang porsiyento ang pinagparte-partehan at napunta sa bulsa ng mga “buwaya” sa pamahalaan? Boom!


◘◘◘


MAY KATAGALAN PA PALANG MAGHIHIRAP ANG SAMBAYANANG PINOY—Base sa pagsusuri ng debt watcher Moody’s Analytics Asia-Pacific, na kapag natapos na raw ang termino ni P-Duterte sa 2022 ay saka pa lang daw makakaahon ang ekonomiya ng Pilipinas na nalugmok dulot ng COVID-19 pandemic.


Kung totoo ito, aba, may katagalan pa palang maghihirap ang sambayanang Pinoy, saklap!


◘◘◘


MOODY’S ANALYCTIC, BAKA PUTAKTIHIN NG MURA NI P-DUTERTE—Ang ulat na ito ng Moody’s Analytics Asia-Pacific ay negatibo sa Duterte gov’t. kasi parang pinalalabas ng debt watcher, na kapag wala na sa poder si P-Duterte ay doon pa lang gaganda ang pamumuhay ng mamamayang Pinoy.


Naku, kapag nakarating sa Pangulo ang sinabing ‘yan ng Moody’s Analytics Asia-Pacific, malamang putaktihin ito ng mura ni P-Duterte, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page