top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Durog na durog sa madlang pipol, 'di na kinaya… SHARON, NAG-SORRY PERO 'DI MASABI ANG NAME NI PANELO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2022
4 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 26, 2022



“I love you sweetheart!” ito ang sabi ni Senator Kiko Pangilinan sa mahabang post ng asawang si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram at Facebook account na humihingi ng sorry sa mga nasabi niya tungkol sa awiting Sana’y Wala Nang Wakas na ikinagalit niya nang husto kamakailan dahil kinanta ito ng senatoriable na si Salvador Panelo sa isang event.


Ang nasabing awitin ay pag-aari ng Viva Records na isinulat at nilapatan ng tunog ni Willy Cruz na ipinakanta kay Sharon bilang theme song sa pelikulang kapareho rin ang titulo na Sana’y Wala Nang Wakas kasama sina Cherie Gil at Dina Bonnevie noong 1986 mula sa direksiyon ni Leroy Salvador.


Hindi alam ng Megastar na bago ito kinanta ni Ginoong Panelo ay humingi na siya ng permiso sa Viva Records.


Kaliwa’t kanan ang banat kay Sharon sa mga pahayag niya against Atty. Panelo na kumakandidatong senador para sa Mayo 9, 2022 halalan, kung saan hindi ito kapartido ng asawang si Kiko bilang Kakampink.


Ilang araw ang pinalipas ng aktres at napag-isipan niyang may pagkakamali siya kaya idinaan niya ito sa napakahabang post sa social media accounts niya.

Ang nilalaman ng nasabing post ni Sharon:


"Sana’y Wala Nang Wakas


“I thought long and hard about whether I should write this, kasi bugbog na bugbog na ang issue at ayoko na sana dagdagan.


“But I decided to, because in the end, it’s the truth that matters, to me and to those of you who’d care to know it. I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s.


“I thought that since I said 'I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant)' people would understand why I reacted in such a way. Truth is, I felt slighted.


“Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako.


“Ang pagkakamali ko lang, sana, ‘yun mismo ang ipinost ko. Pero idinaan ko sa biro at sarcasm, kaya maraming 'di nakaunawa. Kaya siguro CNN Philippines singled out his performance of my song in an article on CNN Philippines online. I suspect it was because they too, found it a bit “off.”


“Ngayon, lahat na ng masasakit na salita, ginagamit sa akin ng ibang tao. My song is thirty-six years old. Ilang libo na ang umawit ng kanta ko sa parties, contests, shows. Never kong ipinagdamot ang awit ko kahit kanino.


“In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siyempre, mas maraming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka. Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nu'ng inawit ng pulitiko na hindi namin kapartido. Ayoko na nga ng pulitika kaya never akong tumakbo kahit na madami na ang humiling na tumakbo ako for public office since I was in my twenties."


Pinaratangang ‘madamot’ si Sharon dahil nga kinanta ni Atty. Panelo ang kanta na nagkataong paborito ng anak nitong may special needs. Kaya mega-explain ang aktres na hindi siya madamot at hindi rin niya alam ang tungkol sa anak ni Panelo.


“Actually, iniisip ko nga kung kailan ako nagdamot ng kahit ano. Wala akong maisip. Mula nu'ng bata ako, mas masaya ako sa pagbibigay kesa nagtatago ng puwedeng ibigay. Kanta ko pa kaya?


“Hindi ko rin naman alam noon na meron pala siyang special child at siya ang naaalala niya sa awit ko. At balita ko, gagamitin na daw niya ito to raise awareness on the needs of special children. Natutuwa ako na kanta ko pa pala ang magiging paraan para maisip niyang gawin 'yun.


“Remember - I have been helping and supporting children with special needs since 1993. I was even named Honorary Chairperson by the Chosen Children Village Foundation. That was where I started and I moved on to other organizations - and individuals - both with special needs and not. At 'di ko ginawa lahat 'yun dahil tumatakbo ako for public office.


“Ganu'n lang ako talaga pinalaki ng Daddy at Mommy ko. It is people who don’t know me personally who have been so quick to attack and call me names. Even those whom I thought knew me well enough and loved me have joined their party. But it is during times like these when you find out who your real friends are - those who sincerely care about you and tell you what they think.”


At humingi na ng apology si Sharon, pero hindi niya binanggit ang pangalan ni Panelo.

“So though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what.


“I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you. Hindi kasi ako plastic. Bakit nga ba madaming nagsasabing plastic ako, eh, kaya nga ako nato-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako?


“Even then, mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko. Alam n'yo, nu’ng araw, dinidibdib at nilulunok ko na lang kasi lahat 'pag ang feeling ko, pagbabangga o pagkalabit sa akin in a bad way.


“Napagod ako, natutong sumagot, lumaban, lalo na 'pag pamilya ko ang involved na akala mo kung pagsalitaan kami, para namang nakapatay kami ng tao. But I should check myself and never act immediately when I am highly emotional.


“Sabi nga, do not make decisions when you are either too angry or too happy. I made a mistake. And thinking back, whenever I have made a mistake on social media, it was always a reaction to something said or done against me.


“I have never started anything negative. I am posting this knowing so many have already decided they would hate me whether I did or said something, or even when I didn’t. That doesn’t matter. What does is that those of you who love me know that this is from my heart. And that I am grateful for you. God knows because He sees everything.


“Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo. God bless us all. I love you. Thank you so much for your time. (emoji praying hands and hearts).”


Sa kasalukuyan ay nasa locked-in shoot si Sharon para sa FPJ’s Ang Probinsyano na sabi niya ay "happy place" niya bilang artista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page