Durant, pinagmulta ng $25,000 dahil sa pagdadabog
- BULGAR
- Nov 1, 2021
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 1, 2021

Pinagmulta ng National Basketball Association si Brooklyn Nets star Kevin Durant ng halagang $25,000 sa pagbato ng bola sa stands ng ring sa kanilang laro noong Sabado sa Barclays Center arena.
Dapat sana ay ejection ang ibibigay kay Durant pero ayon sa mga opisyal ay patawan na lang ito ng multa. Tumapos si Durant ng 22 points at 11 rebounds sa team-high na 37 minutong paglalaro nang talunin ng Nets ang e Indiana Pacers 105-98.
Samantala, sa mga laro kahapon, wala nang perpektong koponan sa NBA matapos patumbahin ng Chicago Bulls ang bisitang Utah Jazz, 107-99 sa United Center. Sumosyo ang Bulls sa liderato ng liga kasama ang apat na koponan habang bumaba ang Jazz sa 4-1.
Inspirado ang Bulls kung saan itinuloy ni DeMar DeRozan ang mainit na first half at magtapos na may 32 puntos at tinulungan ni All-Star Zach LaVine na may 26 puntos.
Nagbigay pugay ang Bulls sa alamat na si Toni Kukoc na nailuklok sa Naismith Hall of Fame at pagpapasalamat sa malaki niyang ambag sa tatlong sunod na kampeonato ng prangkisa noong 1996-1998.
Umakyat din sa 5-1 ang Miami Heat matapos manalo sa Memphis Grizzlies, 129-103 habang ang Washington Wizards na dumaan sa dalawang OT bago magwagi sa Boston Celtics, 115-112. Sumunod sa 5-1 ang New York Knicks nang talunin ang New Orleans Pelicans , 123-117, habang ang Golden State Warriors ang nag-iisang 5-1 sa Western Conference sa bisa ng 103-82 tambak sa Oklahoma City Thunder.





Comments