top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Dumayo sa resort ng guy… NADINE, KUMANTA KUNG PAANO SILA NAGKAKILALA NG BF NA FILIPINO-FRENCH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2022
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 13, 2022




May dugong Pinoy naman pala ang current boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou, base ito sa panayam sa aktres ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang YouTube channel nitong Hulyo 9.


Sa tuwing ia-address kasi ang kasintahan ni Nadine ay laging ‘French boyfriend’ na nakabase sa Siargao dahil dito siya nagtayo ng negosyo.


Anyway, nagbalik-tanaw ang Viva star kung paano sila nagkakilala ni Christophe noong nakaraang taon nang magbakasyon siya sa Siargao kasama ang mga kaibigan.


Say ni Nadine, “Three of us, two of my friends ended up going to Siargao just for a vacation kasi nga medyo maluwag na nu’ng time na ‘yun, so we were able to fly out.”


Sa iba-ibang resort daw sila nakatira at isa sa mga kasama niya ay nagtatrabaho kay Christophe at nagpaalam sila kung puwedeng pumunta sa isang beach spot na malapit sa pribadong resort ng binata.


“She (friend) asked him if we could go, but we ended up just swimming in his (Christophe) pool. That’s pretty much it.”


Ano naman ang naging impression ni Nadine sa noo’y hindi pa niya karelasyon?


“My friends were talking about him and they were saying, ‘He’s actually really cute.’


When I saw him, I’m like ‘Okay, fine, he’s actually kind of cute,'” saad ng aktres.

Pag-aari ni Christophe ang Maison Bukana Resort sa Siargao.


Samantala, back to shooting na ulit si Nadine para sa pelikulang Deleter kasama sina McCoy De Leon at Louise delos Reyes na ididirek ni Mikhail Red for Viva Films.


Sa ginanap na story conference ng Deleter sa Botejyu Estancia Mall, Capitol Commons, Pasig City nitong Lunes, Hulyo 11, ay inamin ni Nadine na picky na siya sa pagtanggap ng pelikula.


“Ayaw ko po kasi ‘yung jump scare lang tapos nakakatakot lang. Sobrang nae-enjoy ko kapag ‘yung pelikula, mayroong back story o malalim na kuwento.


“'Yung isa rin kasi sa mga favorite movies ko na psychological horror, merong after effect, so, ‘yung mga pelikulang after ilang days kong panoorin, meron kang iisipin.


“Kaya after kong panoorin ‘yung favorite kong film, lumilingon ako kung may tao kasi merong ganu’ng ending sa film,” katwiran ng aktres.


Commercial or non-conventional movie ang mas gusto ni Nadine?


“I guess I will always go for both kasi 'pag paulit-ulit ‘yung genre ng ginagawa mo, medyo nakakasawa na. Sobrang redundant na rin, saka hindi na challenging kasi alam ko na ang gagawin ko na ganito o ganyan lang ‘yan.


“So, I always choose projects that are challenging kasi I want to challenge myself. Gusto ko po kasi ‘yung nahihirapan ako. Gusto ko po ‘yung nasa labas ako ng comfort zone ko kasi I know that, that’s growth, eh.


“You’re being to try different roles, different kinds of films and for me po kasi, at the end of the day, I feel like more than doing it for the fans, I’m doing it for myself. Iba po kasi ‘yung feeling na I guess, proud ka sa ginawa mo after mong panoorin ‘yung pelikula,” paliwanag nito.


At ang pelikulang horror na tumatak kay Nadine?


“Dalawa, ‘yung It Follows (2014 supernatural psychological film), ito ‘yung film na after kong mapanood, lagi akong lumilingon, tsinetsek ko kung may sumusunod sa akin.

“'Yung isa po, sobra sa hype, ‘yung Conjuring (1971) high school yata o college ko napanood, ang ganda ng marketing nu’n kasi paglabas mo ng sinehan, may pari na nagbabasbas sa ‘yo, haha!


“May eksena rin kasi na bumubukas ‘yung cabinet, tapos may pumalakpak, kasi na-experience ko po ‘yun after kong panoorin ‘yung pelikula after a couple of days.


Naglilinis ako ng kuwarto, tapos ‘yung cabinet ko, biglang bumukas mag-isa. After three seconds, tumakbo ako palabas. ‘Yun po ang pinakatumatak sa akin.”


Sa kasalukuyan ay wala pang playdate ang Deleter at plano ng Viva bosses na magkaroon ng bonggang premiere night.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page