Dumarami raw kasi ang followers niya... KORINA, ENJOY SA PAGPATOL SA BASHERS
- BULGAR
- Nov 28, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 28, 2022

Ang magkaibigan at business partners na sina Korina Sanchez at Joji Dingcong ang nasa likod ng Media Kueens Productions at sila ang producer ng talk show na TikTalks. Si Joji rin ang line producer ng show na magpi-premiere na sa December 3, 8:00 PM sa One PH.
Sabay itong mapapanood sa TV5 at Radyo Singko 92.3 News FM. May catch-up airing din sa One News every Sunday, 7:00 PM simula sa Dec. 4.
Bilang producer at line producer, sila rin ang nag-iisip ng topic na pag-uusapan sa episode na ite-tape that day. Open sila sa topic suggestion ng iba pang hosts na sina G3 San Diego, Kakai Bautista, Alex Calleja at Pat-P Daza.
Sa mediacon, napag-usapan ang bashing na lahat sila ay naka-experience, lalo na sina Korina at Kakai. Sabi ni Korina, hindi pa uso ang bashing, naba-bash na siya. Nagbiro pa itong nasa mediacon ang press people na namba-bash sa kanya.
“Sumasagot ako sa bashers ‘pag kinakailangan. Akala ng followers ko, naaapektuhan ako.
Hindi ako apektado. Nag-e-enjoy akong sumagot, plus dumarami ang mga followers ko ‘pag sumasagot ako sa bashers,” sabi ni Korina.





Comments