top of page
Search
  • BULGAR

Dumami ang endorsements… KIM NAAGRABYADO, NAKINABANG SA BREAKUP NILA NI XIAN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 15, 2024



Showbiz Photo

Kahit masakit ang kanilang paghihiwalay, may dapat ipagpasalamat si Kim Chiu sa ex-boyfriend niyang si Xian Lim. 


Nakuha ni Kim ang simpatya ng madlang pipol at marami siyang naging kakampi.


Maraming kababaihan ang naka-relate sa malungkot niyang karanasan sa pag-ibig.


Well, ang ipinakita ni Kim na katatagan ang gustong tularan ng mga babaeng nasaktan sa larangan ng pag-ibig. 


At dahil si Kim ang naging sentro ng usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz matapos ang breakup nila ni Xian, sinamantala ito ng maraming produkto upang siya ay kuning endorser. Nadoble ang kasikatan ni Kim at maraming offers na dumating sa kanya. 


Anyway, sa parteng ito nakabawi si Kim Chiu dahil pumabor din sa kanya ang maraming showbiz celebrities at ang kapalit ng kanyang kabiguan sa pag-ibig ay tagumpay sa kanyang career. 


 

WISH ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na magkaroon ng reunion ang cast ng Ang Tanging Ina sa pangunguna nina Eugene Domingo, Carlo Aquino, Shaina Magdayao, Jiro Manio, Alwyn Uytingco at Serena Dalrymple.


Balitang may pag-uusap at negosasyon na ang Star Cinema at si Ai Ai at malaki ang posibilidad na matuloy ang reunion ng Ang Tanging Ina


Hinding-hindi malilimutan ng aktres ang pagdarasal niya noon na sana ay malaki ang kitain ng Ang Tanging Ina


May dumating kasi noong malakas na bagyo kaya walang pasok sa mga opisina at eskuwela. Gayunpaman, sumugod ang mga tao sa mga sinehan at dinumog ang Ang Tanging Ina


Naging certified box office hit ito na idinirek ni Wenn V. Deramas. 

Para kay Ai Ai, malaking himala sa kanyang career ang tagumpay nila sa pelikulang ito.


 

NAKAKATUWA sina Maine Mendoza, Atasha Muhlach, Miles Ocampo at Ryzza Mae Dizon sa kanilang mga adlibs kapag nagho-host ng Eat… Bulaga! (EB). Sanay na sanay na sila sa isa’t isa at gamay na nila ang style ng pagpapatawa ng TVJ kasama sina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.


Nag-e-enjoy naman ang mga viewers sa episode ng Pinoy Henyo. Wala pa ring kakupas-kupas ang segment na ito ng EB! na kinagigiliwan ng lahat, ganu’n din ang segment na Peraphy na gusto ng studio audience. 


Wala nang tensiyon ngayon sa panig ng mga bumubuo ng programang Eat… Bulaga!. Hindi na sila nagpapa-pressure sa kompetisyon, bagkus, ang main objective ng EB! ay magbigay ng kasiyahan sa mga manonood. 


Sa loob ng mahigit na apat na dekada, hindi pinagsasawaan ang Eat… Bulaga!. May sariling followers ito at hindi sila nagbabago sa pagiging loyal sa show kahit saang network ito umere. 


 

MAGANDA ang feedback sa acting ni Elle Villanueva sa ginawa niyang serye sa GMA-7, ang Makiling. Wish niya na mabigyan naman ng kakaiba at challenging role sa susunod niyang project. 


Gamay ni Elle ang dramatic role pero gusto niyang subukan ang mag-action na mala-Angelina Jolie ang peg kahit mahihirap na stunts pa ang ipagawa sa kanya. 


Sa ngayon ay ine-enjoy ni Elle ang bakasyon sa La Union kasama si Isabel Ortega. 


Open si Elle sa relasyon nila ng aktor na si Derrick Monasterio. Hindi sila nagmamadaling magpakasal dahil priority nilang pareho ang kanilang showbiz career. 



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page