Dumalo sa 70th b-day niya… NORA SA MGA ANAK: KALIMUTAN NA ANG MGA TAMPUHAN
- BULGAR
- May 22, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 22, 2023

Ang saya-saya ng 70th birthday celebration ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor na ginanap sa Seda Vertis North last Saturday.
Kumpleto ang kanyang mga anak na sina Lotlot, Ian, Matet, Kenneth at Kiko kasama ang kani-kanilang pamilya.
Nagsilbi rin itong reunion ng mga loyal at diehard Noranians na tumulong sa preparasyon at pag-aayos sa venue ng nasabing party.

Dumating din ang ilan sa mga kaibigang artista ni Ate Guy sa pangunguna nina Julia Clarete, Snooky Serna, QC Councilor Alfred Vargas, Ricky Davao, Direk Louie Ignacio, Marissa Delgado kasama ang anak na si Yvonne, Liz Alindogan, Beverly Salviejo, Dan Alvaro, Lito Pimentel at Geleen Eugenio.
Pati ang mga dating dancers noon ng programang Superstar ay humabol din sa ginanap na 70th birthday celebration ni Ate Guy.





Comments