Dumalaw sa madir, Lotlot… MATET, PINURING ‘BEST DAUGHTER’ NI NORA
ni Nitz Miralles - @Bida | January 10, 2022

Kahit lahat ay nakasuot ng face mask (maliban kay Nora Aunor), alam mong nakangiti sa pagdalaw kay Guy ng mga anak na sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth at ng kani-kanyang pamilya.
Binisita ng magkakapatid at kanilang mga anak si Guy sa bahay nito noong January 8 at nagsilbi ‘yun na post-Christmas and New Year celebration nila.
Nag-post si Matet ng photo kasama ang pamilya niya at si Guy at may caption na: “Spent the first day of the year with mommy,” at dahil dito, pinuri ng mga netizens si Matet.
Mabait daw siyang anak at “the best daughter.” Pinasalamatan din siya ng mga fans ni Guy by visiting her mom.
Masayang-masaya raw si Guy na makita ang mga anak at apo at siguro, mas sumaya ito kung kasamang bumisita sa kanya ang panganay na si Lotlot de Leon at mga anak nito.





Comments