top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

Dugo-Dugo Gang strikes again... Lola, natangayan ng P500K cash, alahas

Writer: BULGAR
BULGAR
38 minutes ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 30, 2026



Lola na-scam ng rider - Brgy. 598

Photo: Circulated / Brgy. 598



Natangayan ng halos P500,000 halaga ng pera at alahas ang isang 73-anyos na lola matapos mabiktima ng Dugo-Dugo Gang sa Brgy. 598, Sta. Mesa, Maynila, nitong Martes, Oktubre 27.


Ayon kay Barangay 598 Chairman Paulito Linis, nakatanggap ang biktima ng tawag sa landline mula sa isang babae na nagsabing naaksidente ang kanyang anak na babae habang nagmamaneho ng e-trike at nakabangga ng 18-anyos na namatay umano. Sinabi ng tumawag na kailangang magbayad ng pera at alahas bilang kompensasyon, at pinagbawalang ipagsabi ito sa iba.


Nahagip sa CCTV ang isang nakamaskara at naka-helmet na rider na dumating sa Ditas Street bago magtanghali at kinuha ang pera at alahas na iniabot ng biktima. Inilagay ng rider ang mga ito sa top box ng motorsiklo at umalis matapos manatili nang halos isang minuto.


Ayon kay Linis, natauhan lamang ang biktima matapos maibigay ang mga mahahalagang gamit. Nakumpirma niyang naloko siya nang dumating ang kanyang anak na sinasabing naaksidente.


Tinatayang P100,000 na cash at halos P400,000 halaga ng alahas ang natangay sa biktima.


Palaisipan pa sa lola kung paano nakuha ng mga suspek ang kanilang landline number dahil bagong kabit lamang ang linya. 


Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at paghahanap sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page