- BULGAR
Duda ka pa, ghorl? ANGELICA, BUNTIS NA, TINE-TESTING PA RIN KUNG SWAK SILA NG BF
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 7, 2022

Post ni Angelica Panganiban, "Buntis na 'ko nang makapag-first movie date kami. Okay naman. 'Di kami nagkaproblema. 'Di siya madaldal sa sinehan, hindi siya malikot at 'di siya matanong. My kind of date."
Dugtong pa ni Angge: "Good job @gregg_homan Nalagpassn natin ang challenge na ito. Compatible pa rin tayo."
Ibig palang sabihin, eh, idinaan ng aktres ang non-showbiz boyfriend sa test kung talagang compatible sila.
Naaliw naman ang mga netizens sa kapraningan ng partner ni Gregg.
"Haha! Nakisawsaw ba sa popcorn mo? 'Yun ang ultimate test."
"Haha! Popcorn talaga."
"Cute couple. Stay happy with each other always."
"Mukhang matino 'tong si guy. Suwerte na si Angge, magkaka-family na din siya."
"Happy for Angelica, mukhang in love sila at magkaka-baby na."
"Ang hirap yatang mag-cinema while preggers kasi sa frequent urination, hahaha!"