Du30, dedma sa P300B flood scam... Ako lang ang may ginawa! — PBBM
- BULGAR

- Jul 6
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 6, 2026

Photo Bongbong Marcos / FB
Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga paratang na sangkot umano siya sa katiwalian sa flood control projects na nagbunsod ng panawagang patalsikin siya sa puwesto.
Giit ng Pangulo, kung hindi niya inilantad ang isyu ng flood control scandal sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong 2025, hindi umano malalaman ng publiko ang sinasabing katiwalian sa naturang programa, na nagbunsod din ng malawakang protesta.
“Kung hindi ko sinabi 'yung sinabi ko sa SONA, wala tayong pinag-uusapan na ganito,” pahayag ni Marcos sa Kapihan with the media matapos ang paglalatag ng kanyang 4-day official visit sa Vancouver, Canada.
Ipinunto pa niya na wala umanong naging hakbang ang mga naunang pangulo upang tugunan ang mga iregularidad sa flood control projects.
“I'm the one who exposed all of this, and I'm the only one that has started to do anything about this,” saad ni Marcos.
“Bakit ang mga nakaraan ba na pangulo, nakita ba kayong ginawang ganu'n? Meron ba silang kinulong? Meron ba silang pina-freeze na account? Meron ba silang mga investigation na ginawa? Wala. Sa akin lang,” giit niya.
“Tapos sasabihin, ako daw ang may kagagawan. Eh, kung talagang raket ko 'yun, ba't ko sisiraan 'yung raket ko? Di ba? That makes absolutely no sense,”diin ni Marcos.
Dagdag pa ng Pangulo, noon pang 2018 nagbabala na si dating Camarines Sur 1st District Rolando ‘Nonoy’ Andaya Jr. kaugnay sa umano’y P300 bilyong anomalya sa mga flood control project.





Comments