Du’n na raw titira kasama si Dominic? BEA, IDINISPLEY ANG NABILING BAHAY SA SPAIN
ni Julie Bonifacio - @Winner | May 16, 2022

Ibinida ni Bea Alonzo ang bago niyang bahay sa ibang bansa sa latest vlog ng girlfriend ni Dominic Roque on her YouTube channel.
Ang bagong biling bahay ni Bea ay hindi sa Amerika kundi sa Madrid, Spain.
Limang araw daw siyang nagpunta sa Spain para mag-apartment hunting. Akala raw ng iba ay work-related ang dahilan ng pagpunta niya roon.
Anim na bahay-apartment ang pinagpilian ni Bea sa Spain, but ‘yung may balcony at magandang island counter ang kanyang pinili.
May nag-comment na netizen na tiyak daw na magugustuhan ni Marian Rivera ang episode ni Bea sa kanyang apartment-hunting sa Spain dahil tagaroon ang dad ng misis ni Dingdong Dantes. At malay naman natin, baka mas nauna nang nakabili ng bahay si Marian kesa kay Bea sa Spain.
Duda naman ng ibang netizen, sa Spain kaya magse-settle-down sina Bea at Dominic?
Anyway, nabanggit din ni Bea sa latest vlog niya na naoperahan na ang kanyang ina na si Mommy Mary Anne na tinatawag ding Madame M ng aktres sa kanyang mga socmed accounts.





Comments