Du'n daw nalamang bibigyan ng singsing ng BF…
- BULGAR

- Dec 17, 2020
- 3 min read
JESSY, UMAMING NATAUHAN NANG MAG-BREAK SILA NI LUIS NU'NG MAYO
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 17, 2020

Nitong buwan ng Mayo ay naghiwalay pala sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kaya aminado ang aktres na sobrang down na down siya.
Sa joint vlog nina Luis at Jessy sa YouTube channel ng aktres ay inamin ng dalawa na bago nag-propose ang TV host ay marami silang pinagdaanan.
“'Yung naghiwalay kami ay hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkatugma kung ano'ng nangyari. Para sa akin, nag-break kami. Para sa kanya (Luis) cool-off lang kami,” pag-amin ni Jessy.
Hirit ni Luis, “We took a break.”
“We broke up (sabay turo kay Luis). For him, we took a break," sabi ng dalaga.
“But basically, may pinagdaanan kami nu’ng summer where we closed to ending it. We were?” pahayag ng binata.
“Yeah, we were… really closed (it). Actually, I ended it na,” say ni Jessy.
Nag-iisip naman si Luis, “Actually, gray area nga, so in-end niya na you’re taking a break because you have some issues to deal with. Not a typical na it’s not you, it’s me. It’s between us talaga.
“So, nag-stop kaming magkita during that time kasi lockdown sa lahat ng areas, 'di ba? Medyo rocky na kami, nag-aaway na kami Valentine's Day. Kahit nag-aaway kami, we would still fix it. And that’s what I love Luis na hindi siya ganu’n kahit simula ng relationship namin. He really changed a lot kasi ako, hindi ako nakakatulog hangga’t hindi kami ayos. Siya naman, kaya niyang matulog na hindi kami ayos kasi just for the sake na gusto niyang mag-cool down sa lahat ng bagay, bago magkaayos, bago mag-usap.
“Ako, mapusok ako, gusto ko, ayos na agad. Sobra akong push nang push na ‘Ito ‘yung problema, we have to fix it.' Kasi gusto ko, when we wake up in the morning, we're okay. But I didn’t really pay attention to his needs. He needed time also to recuperate, to cool down and that’s what I realized when we broke up, na it’s not all about me all the time,” emosyonal na kuwento ng aktres.
Dagdag pa, “Kaya ako naiyak kasi na-realize ko my mistakes during that time. Sa lahat ng nanonood ngayon, that’s what we have to learn kapag nasa isa kayong relationship, na it’s not all about you.
“What did it bring us to closer to each other, yes!”
Tumawang sabi ni Luis, "Obviously (sabay turo sa engagement ring).”
At dito na ikinuwento ni Jessy na nakita na niya ang engagement ring bago pa nag-propose sa kanya si Luis noong Oktubre.
Hirit ng TV host, “Actually, I had the ring since September (2019).”
“I know because this person (alahera) told me," tumawang sabi ng dalaga na eventually ay naging kaaway na niya ang naturang alahera na pinagpagawaan pala ni Luis ng engagement ring.
“September pa lang, I had na the ring at hinahanap ko ‘yung magandang timing kahit paano. Kasi sinasabi nga nila na ang wedding is for the girl, but the proposal is for the guy. So, 'yun ang medyo hinahanap ko kaya medyo ang tagal bago nangyari ang proposal. Tapos, maraming bagay na nangyari at nalaman nga niya 'yung ring months before the proposal at naisukat pa niya," kuwento ni Luis.
At dito nga binanggit ni Jessy na nu’ng nag-away sila ng fiancé niya ay ipinakita ng kaibigan niyang alahera ang singsing na wala siyang kaalam-alam tungkol dito kaya nagulat ang dalaga.
Maraming ikinuwento ang kaibigang jeweler at ipinakita rin ang mga video kung paano at saan binili ni Luis ang diamond ring at binayaran ito. Gulung-gulo na noon ang utak ni Jessy kaya nagpasya siyang umuwi para mag-isip.
At nagkataon na bigla na lang silang nag-usap ni Luis at muling nagkasundo.
“Okay na kaming dalawa, kung anuman ‘yung dagok na ‘yun, okay na. We’re engaged and I found out the ring way before he proposed kung ano ang dapat mangyari at mangyayari,” kuwento ng dalaga.
Ang gusto ng dalawa ay private at intimate ang gaganaping kasal nila na hindi pa binanggit kung kailan.





Comments